- 1. Ito ay akdang pampanitikan na naglalahad ng kalagayan ng mga itim na amerikano at ang pagkamit nila sa kanilang demokrasya.
A) Divine Comedy B) Canterbury Tales C) El Filibusterismo D) Uncle Tom's Cabin
- 2. Anong uri ng tulang liriko ang karaniwang kinakikitaan ng mga paksang pangrelihiyon na may partikular na layuning magbigay ng papuri, pagsamba o panalangin?
A) Dalit B) Oda C) Elihiya D) Awit
- 3. Ito ay bahagi ng Maikling Kwento na nagsasaad ng pinakamasidhing kawilihan at inilalarawan nang mabilisan.
A) Suliranin B) Kakalasan C) Panimula D) Kasukdulan
- 4. Ano ang pamagat ng tulang isinulat ni Rizal noong walong taong gulang pa lamang siya na kaniyang handog sa pagpapahalaga ng sariling wika?
A) Brindis B) Caiingat Cayo C) Sa mga Pilipino D) Sa Aking mga Kabata
- 5. Ito ay mahalagang bahagi sa pagtuturo upang magkaroon ng malinaw na direksyon ang guro sa kaniyang tinatahak na misyon sa pagtuturo't pagkatuto.
A) Estratehiya B) Obhektibo C) Pagtataya D) Ebalwasyon
- 6. Ito ay mahalaga upang magkaroon ng gabay at maging matagumpay ang proseso ng pagkatuto't pagkatuto.
A) Banghay-Aralin B) Kahandaan C) Dulog D) Ebalwasyon
- 7. Ito ay isang estilo ng pagtuturo kung saan ang guro ay nagbibigay lamang ng mga tanong sa mga mag-aaral sa halip na paghahatag ng proseso ng paglelektyur.
A) General Type B) Tour Guide Type C) Business Type D) Socrates Type
- 8. Nililinang ng isang guro ang kaniyang mga mag-aaral sa pamamagitan ng mapilit na pamamaraang estilo ng pagtuturo.
A) Town-Meeting Type B) Master-Apprentice Type C) Tour Guide D) Compulsive Type
- 9. Isang estilo kung saan ang guro ang gumaganap na pangunahing papel sa pagtuturo.
A) Tour Guide B) Business Executive C) Compulsive D) Socrates Type
- 10. Ang malawak na pagpapahayag ng direksyon para sa isang programang pang edukasyon.
A) Layunin B) Tunguhin C) Mithiin
- 11. Ito ay domeyn na tumutukoy sa transmisyon ng kaalaman ng mga mag-aaral.
A) Apektib B) Saykomotor C) Kognitib
- 12. Ito ay Herarkiya ng Pag-iisip na nagpapailalim ng pag-unawa ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng paggamit ng kanyang natutunang mga kaalaman.
A) Paglalahat B) Paglalapat C) Pagtataya
- 13. Anong domeyn ang isinasaalang-alang kung ninanais ng guro na mapahusay ang mga mag-aaral sa aspetong kasanayang pisikal?
A) Apektib B) Saykomotor C) Kognitib
- 14. Ito ay uri ng domeyn na nabibigay daan upang maunawaan at matugunan kung papaano matututo ang mga tao.
A) Saykomotor B) Apektib C) Kognitib
- 15. Pag-ugnay ng halaga sa mga pinaniniwalaan at pagsasama nito sa mga personal na pilosopiya; pagtatalakay, pagtani, pagbabalangkas, pagbalanse at pagsusuri.
A) Responding B) Organization C) Characterization D) Receiving
- 16. Ito ay bahagi ng Saykomotor Domeyn kung saan nilalayong maipalabas mula sa mga mag-aaral ang kanilang paunang kaalaman upang matugunan ang paparating na kaalaman.
A) Prior Knowledge B) Cooperative Learning C) Scaffolded Instruction
- 17. Ang pagsasama-sama ng mga guro at mag-aaral upang matamo ang inaasahang layunin sa proseso ng pagtuturo't pagkatuto.
A) Modeling B) Cooperative Learning C) Prior Knowledge Activation
- 18. Proseso kung saan ang guro ay nagdaragdag ng mga suporta para sa mga mag-aaral upang mapahusay ang kanilang pagkatuo.
A) Modeling B) Cooperative Learning C) Scaffolded Instruction
- 19. Ito ay nagpapahayag ng direksyon para sa isang programang pang-edukasyon.
A) Layunin B) Mithiin C) Tunguhin
- 20. Ipinapahayag ang tiyak na pananalita ng mga pagkatuto o gawain na inaasahang maipakita ng mga mag-aaral.
A) Layunin B) Tunguhin C) Mithiin
- 21. Manunulat sa Gintong Panahon ng Panitikan at naninindigan sa paghihiwalay ng simbahan at pamahalaan.
A) Graciano Lopez Jaena B) Andres Bonifacio C) Antonio Luna
- 22. Parmasyutikong heneral ang gumagamit ng sagisag na Taga-ilog.
A) Antonio Luna B) Andres Bonifacio C) Emilio Jacinto
A) Andres Bonifacio B) Pascual Poblete C) Apolinario Mabini
A) Andres Bonifacio B) Emilio Jacinto C) Lope K. Santos
- 25. Ama ng Demokrasiyang Pilipino
A) Apolinario Mabini B) Emilio Jacinto C) Andres Bonifacio
A) Apolinario Mabini B) Andres Bonifacio C) Emilio Jacinto
A) Pascual Poblete B) Apolinario Mabini C) Andres Bonifacio
- 28. Tinaguriang Ama ng Balarilang Pilipino.
A) Lope K. Santos B) Amado V. Hernandez C) Jose Corazon de Jesus
- 29. Tinaguriang Makata ng Pag-ibig
A) Jose Corazon de Jesus B) Lope K. Santos C) Amado V. Hernandez
- 30. Tinaguriang Makata ng mga Manggagawa.
A) Jose Corazon de Jesus B) Amado V. Hernandez C) Lope K. Santos
- 31. Ito ay bunga ng isang matalino at masistemang pagpaplano ng isang makabuluhang pagkatuto't pagtuturo.
A) Authoritarian B) Instructional C) Intimidation
- 32. Ang tungkulin ng guro ay maitatag at mapanitili ang kaayusan sa silid-aralan sa pamamagitan ng pagbibigat ng patakaran na kailangan sundin ng mga mag-aaral.
A) Authoritarian B) Busy Bee C) Permissive
- 33. Tinaguriang pinakaepektibong tagapakinig. Nakikinig siya gamit ang ang kanyang tainga at ang kanyang utak.
A) Two-eared Listener B) Bewildered C) Frowner
- 34. May kalayaan ang mag-aaral na pumili kung ano at paano sila matututo na may katuwang na panghihikayat sa guro. Ang mga mag-aaral ay gumagawa ng pangwakas na desisyon sa kanilang edukasyon.
A) Intimidation B) Authoritarian C) Permissive
- 35. Siya ang tagapakinig na laging handang magreak sa anumang sasabihin ng nagsasalita. Lagi siyang naghihintay ng maling sasabihin ng tagapagsalita upang sa bawat pagkakamali ay parang tigre siyang susugod at mananagpang.
A) Eager Beaver B) Tiger C) Busy Bee
- 36. Ang pinakaaayawang tagapakinig dahil hindi lamang siya nakikinig kundi abala rin siya sa ibang gawaing walang kinalaman sa talakayan.
A) Busy Bee B) Bewildered C) Tiger
- 37. Sa dulog na ito ay pangunahing layuning gamitin ang takot ng mga mag-aaral para mapamahalaan ang kanilang proseso ng pagkatuto.
A) Intimidation B) Permissive C) Authoritarian
- 38. Makikita sa kanyang mukha ang pagiging atentibo ngunit ang totoo, hindi lubos ang kaniyang pakikinig kundi isang pagkukunwari lamang sapagkat ang hinihintay lamang niya ay ang oportunidad na makapagtanong para makapagpaimpres.
A) Frowner B) Tiger C) Two-erared Listener
- 39. Siya ang tagapakinig na kahit anong pilit ay walang maintindihan sa naririnig. Kapansin-pansin sa pagkunot ng kaniyang noo, pagsimangot.
A) Eager Beaver B) Bewildered C) Frowner
- 40. Siya ang tagapakinig na ngiti o tangu nang tango habang may nagsasalita sa kanyang harapan.
A) Tiger B) Bewildered C) Eager Beaver
- 41. Ang Mithiin ay nagpapakita ng tiyak na tunguhin na kumakatawan upang ito ay matupad.
A) Oo B) Hindi C) Tama D) Mali
- 42. Inilalahad ng Layunin ang malawak na pagpapahayag ng direksyon sa programang pang-edukasyon.
A) Oo B) Mali C) Hindi D) Tama
- 43. Ang Pagpaplanong Pampagtuturo ay tumitiyak sa kung ano ang mga inaasahang isasagawa ng mga mag-aaral.
A) Tama B) Oo C) Mali D) Hindi
- 44. Ang Layuning Pampagtuturo ay sumasalamin sa akysong isinasagawa upang hindi matapos sa pagkaraang pagdedesisyon ng guro ang nilalaman kundi magkaroon pa ng pagkakasunod-sunod na plano para sa epektibong bunga ng isang pagkatuto.
A) Oo B) Hindi C) Mali D) Tama
- 45. Ipinapakita sa layunin ang mga estratehiyang nararapat gamitin at ilapat ng guro sa pagtuturo.
A) Oo B) Mali C) Hindi D) Tama
- 46. Sino ang sumulat ng Divina Comedia o Divine Comedy?
A) Jose Rizal B) Geoffrey Chaucer C) Harriet Beecher Stowe D) Dante Alighieri
- 47. Ang ang sinulat ni Dante Alighieri?
A) Noli Me Tange at El Filibusterismore B) Canterbury Tales C) Divina Comedia o Divine Comedy D) Uncle Tom's Cabin
- 48. Sino ang sumulat ng Canterbury Tales?
A) Geoffrey Chaucer B) Dante Alighieri C) Harriet Beecher Stowe D) Jose Rizal
- 49. Ano ang sinulat ni Geoffrey Chaucer?
A) Canterbury Tales B) Uncle Tom's Cabin C) Divina Comedia o Divine Comedy D) Noli Me Tangere at El Filibusterismo
- 50. Sino ang sumulat ng Uncle Tom's Cabin?
A) Jose Rizal B) Harriet Beecher Stowe C) Geoffrey Chaucer D) Dante Alighieri
- 51. Isinulat niya ang napakaraming akdang pampanitikan at ang pinakatanyag sa mga ito ay ang kanyang dalawa nobelang "Noli Me Tangere at El Filibusterismo.
A) Dante Alighieri B) Geoffrey Chaucer C) Harriet Beecher Stowe D) Jose Rizal
- 52. Anong akda ang isinulat ni Jose Rizal na pinakatanyag?
A) Divina Comedia o Divine Comedy B) Canterbury Tales C) Noli Me Tangere at El Filibusterismo D) Uncle Tom's Cabin
- 53. Naging batayan ng pananampalataya ng mga kristiyano.
A) Koran na nag mula sa Arabya B) Bibliya o Banal na Kasulatan C) Uncle Tom's Cabin D) Aklat ng mga Araw ni Confucius
- 54. Bibliya ng mga Muslim
A) Mahabharata B) Aklat ng mga Patay C) Koran na nagmula sa Arabya D) Uncle Tom's Cabin
- 55. Kinatutuhan ng mga Alamat at mitolohiya.
A) Divina Comedia ni Dante B) Isang libo, isang gabi C) Canterbury Tales ni Chaucer D) Iliad at Oddeysey ni Homer
- 56. Nagpapahayag ng pananampalataya, moralidad at pag-uugali ng mga italyano sa kapanuhunang yaon.
A) Isang libo, isang gabi B) El Cid Campeador C) Awit ni Rolando D) Divina Comedia ni Dante
- 57. Naglalarawan ng mga kaugalian at pananampalataya ng mga Ingles.
A) Aklat ng mga ni Confucius B) Isang libo, isang gabi C) Aklat ng mga patay D) Canterbury Talesn ni Chaucer
- 58. Naging batayan ng pananampalataya at kalinangang ng mga intsik.
A) Awit ni Rolando B) El Cid Campeador C) Aklat ng mga Araw ni Confusius D) Mahabharata
- 59. Naglalarawan ng pamumuhay ng mga tao sa Arabya at Persya.
A) Awit ni Rolando B) Isang libo, isang gabi C) El Cid Campeador D) Aklat ng mga Patay
- 60. Tumatalakay sa kasaysayan ng Espanya at naglalarawan ng katangiang panlahi ng mga kastila.
A) Aklat ng mga Patay B) Mahabharata C) Awit ni Rolando D) El Cid Campeador
- 61. Nagsasalaysay ng panahong ginto ng Kristiyanismo sa Pransya, napapaloob dito ang Ronces Valles Doce Pares.
A) Mahabharata B) Awit ni Rolando C) Aklat ng mga Patay D) El Cid Campeador
- 62. Tumatalakay sa mitolohiya at teolohiya ng mga mamamayan sa Ehipto.
A) Isang libo, isang gabi B) Mahabharata C) Awit ni Rolando D) Aklat ng mga Patay
- 63. Ipinalalagay na pinakamahabang epiko sa buong mundo na tumatalakay sa pananampalataya sa Indiya.
A) Bibliya o Banal na Kasulatan B) Aklat ng mga Patay C) Mahabharata D) Isang libo, isang gabi
- 64. Pagkasunod-sunod ng mga taong dumating sa Pilipinas bago dumating ang mga Kastila.
A) Malay, Intsik na Manggugusi, Indonesyo, Bumbay, Arabe at Persiyano, at Ita o Negrito B) Ita o Negrito, Indonesyo, Malay, Intsik na Manggugusi, Bumbay, Arabe at Persiyano C) Indonesyo, Malay, Intsik na manggugusi, Bumbay, Arabe at Persiyano, at Ita o Negrito D) Intsik na manggugusi, Ita o Negrito, Indonesyo, Malay, Bumbay, Arabe at Persiyano
- 65. Mga butil ng karunungang hango sa karanasan ng mga matatanda.
A) Mga palaisipan B) kasabihan o kawikaan C) Bugtong D) Salawikain
- 66. Inilalarawan ang mga bagay na pinahuhulaan at nangangailangan ito ng mabisang pag-iisip.
A) Bugtong B) Salawikain C) Kantahing Bayan D) Kasabihan o Kawikaan
- 67. Nakapupukaw at nakahahasa ng isipan ng tao, katulad ng bugtong ay nangangailanagn ng talas ng isip.
A) Kantahing Bayan B) Salawikain C) Kasabihan o kawikaan D) Mga palaisipan
- 68. Ang mga ito ay nagpapahayag ng damdamin, pamumuhay, karanasan, pananampalataya, kaugalian, at hanapbuhay ng mga taong naninirahan sa isang pook.
A) Kantahing Bayan B) Salawikain C) Kasabihan o kawikaan D) Bugtong
- 69. Itinuturing na Prekador ng Masa at itinatag niya ang pahayagang Diariong Tagalog.
A) Antonio Luna B) Andres Bonifacio C) Graciano Lopez Jaena D) Marcelo H. Del Pilar
- 70. Librong nagtatanggol sa Noli Me Tangere at ipinapakita rito ang kalagayan ng Pilipinas sa Panahon ng Kastila.
A) Sagot ng Espanya sa Hibik nang Pilipinas B) Ang Cadaquilaan nang Dios C) Caiingat Cayo D) Dasalan ay Tocsohan
- 71. Layunin nitong ilahad ang matinding kalupitan at kasakiman ng mga prayle.
A) Dasalan at Tocsohan B) Ang Cadaquilaan nang Dios C) Sagot ng Espanya sa Hibik nang Pilipinas D) Caiingat Cayo
- 72. Sanaysay na tumutuligsa sa mga prayle at nagpapakilala ng matibay na pananalig ni Del Pilar sa kanyang kadakilaan dahil sa mga biyayang dulot ng kalikasan na ipinagkaloob sa atin. Siya ay Katoliko ngunit hindi panatiko.
A) Caiingat Cayo B) Sagot ng Espanya sa Hibik nang Pilipinas C) Dasalan at Tocsohan D) Ang Cadaquilaan nang Dios
- 73. Tulang sagot sa tula ng dating guro na si Herminigildo Flores na may pamagat na "Hibik ng Pilipinas sa Inang Espana". Naglalayong humingi ng mga pagbabago sa Espanya ngunit ipinahayag na walang ano mang tulang na maipagkakaloob ito.
A) Dasalan at Tocsohan B) Sagot ng Espanya sa Hibik nang Pilipinas C) Ang Cadaquilaan nang Dios D) Caiingat Cayo
- 74. Gumamit ng sagisag na Tikbalang, Kalipulako at Naning.
A) Mariano Ponce B) Pascual Poblete C) Pedro Paterno D) Jose Ma. Panganiban
- 75. Gumamit ng sagisag na JOMAPA.
A) Jose Ma. Panganiban B) Pedro Paterno C) Isabelo Delos Reyes D) Mariano Ponce
- 76. Marapat na walang kinikilingan at mahalagang mayroong pantay-pantay na pagtrato ang isang guro sa kaniyang pagtingin sa lahat ng mga mag-aaral.
A) May positibong pag-uugali B) May kahandaan C) May haplos-personal D) Walang itinatangi
- 77. Nasisiyahan ang mga mag-aaral kung sila'y nabibigyan ng puri at pagkakilala o rekognisyon. Nakatutulong ito upang tumaas ang kanilang tiwala sa sarili.
A) May kahandaan B) Malikhain C) May positibong pag-uugali D) May haplos-personal
- 78. Ang kahusayan at kaalaman sa saklaw ng nilalaman ng paksang itinuturo ay kinikilala ng mga mag-aaral.
A) Walang itinatangi B) Malikhain C) May kahandaan D) May haplos-personal
- 79. Pinahahalagan ng mga mag-aaral ang gurong may ugnayan sa kanila.
A) Malikhain B) May haplos-personal C) May kahandaan D) Marunong tumanggap sa kamalian
- 80. Ang isang guro ay marapat na malikhain; hindi lamang sa kung gaano kawili-wili ang kanyang klase at gaano kakulay ang kanyang mga kagamitang panturo kundi malikhain din sa pagpapaliwanag ng bawat aralin.
A) May kahandaan B) Marunong tumanggap sa kamalian C) Malikhain D) Walang itinatangi
- 81. Ang mga guro ay lunsaran ng pagkatuto ngunit hind maiiwasan na magkamali lalo't sa pagpapaliwanag.
A) May haplos-personal B) Malikhain C) Marunong tumanggap ng kamalian D) May kahandaan
- 82. Mga pag-uugali na ginagamit ng mga guro upang maitatag at mapanatili ang kondisyon sa silid aralan.
A) Permissive B) Dulog C) Intimidation D) Authoritarian
- 83. Siya ang tipo na tagapakinig na nauupo sa isang tahimik na sulok ng silid.
A) Sleeper B) Bewildered C) Eager Beaver D) Tiger
- 84. Isa siya sa mga problema sa isang nagsasalita. Paano'y kitang kita sa kanya ang kawalan ng interes sa pakikinig.
A) Relaxed B) Busy Bee C) Two-earned Listener D) Frowner
- 85. Ang pagpupulong ng bayan, na kilala rin bilang isang "bukas na pagpupulong ng bayan".
A) The Tour Guide Type B) The General Type C) The Master-Apprentice Type D) The Town-Meeting Manager Type
- 86. Pagtuturo sa mga kabataan sa isang komunidad upang maging maalam sa kasaysayan at pinagmulan ng kanilang komunidad.
A) The Business Executive Type B) The General Type C) The Tour Guide Type D) The Master-Apprentice Type
- 87. Dito nasusukat ang pagiging epektibo ng isang guro sa gawain, kaasalan, saloobin at pag-unlad ng kanyang tinuturuan.
A) The Tour Guide Type B) The Compulsive Type C) The Business Executive Type D) The General Type
- 88. Tumutukoy sa isang tao na nagbibigay gabay at kaalaman sa isang episiptikong paglalakbay ng Guro.
A) The Compulsive Type B) The Business Executive Type C) The General Type D) The Tour Guide Type
- 89. Mapilit, mangailangan, kailanganin. Itinuturo ng guro ang aralin nang paulit-ulit hanggang sa mabatid ito ng mga mag-aaral.
A) The Compulsive Type B) The General Type C) The Master-Apprentice Type D) The Tour Guide Type
- 90. Nagbibigay ito ng direksyon para sa isang tiyak na aralin.
A) Tunguhin B) Layunin C) Mithiin
- 91. Ipinapahayag ang tiyak na pananalita ng mga pagkatuto o gawain na inaasahang maipakita ng mga mag-aaral.
A) Tunguhin B) Mithiin C) Layunin
- 92. Makikita ang mga estratehiya na nararapat gamitin at ilapat ng mga guro sa pagtuturo.
A) Layunin B) Mithiin C) Tunguhin
- 93. Ang lebel na ito ng pag-iisip ay tumutukoy sa simpleng paggunita o pag-alala sa mga natutuhang impormasyon.
A) Paglalapat B) Kaalaman C) Komprehensyon o Pag-unawa
- 94. Binibigyang-diin ang pag-unawa sulugan ng impormasyong natutuhan at pag-uugnay sa mga dating alam na impormasyon.
A) Paglalapat B) Komprehensyon o Pag-unawa C) Kaalaman
- 95. Paggamit ng natutuhan sa iba't ibang paraan o konteksto.
A) Pagsusuri B) Paglalapat C) Pagbuod
- 96. Ito ay nangangailangan ng pag-unawa sa ugnayan ng mga bahagi at organisasyon ng natuthan upang makita ang kabuuan.
A) Pagbuod B) Pagsusuri C) Pagtataya
- 97. Kinakailangan na mapag-ugnay ang mga salitang pangkagawain sa ilalim nito; lumilika, bumubuo, iba't ibang impormasyon upang makalikha ng bagong kaalaman.
A) Pagbuod B) Pagtataya C) Pagsusuri
- 98. Ang pag-iisip sa lebel na ito ay nangangailangan ng pagbuo ng sariling pagpapasiya sa Liwanag ng mga inilahad ng mga krayterya.
A) Pagsusuri B) Pagbuod C) Pagtataya
- 99. Pagiging maalam o sensitibo tungkol sa mga ideya, bagay o pangyayari.
A) Responding B) Valuing C) Receiving
- 100. Pagtugon sa pamamagitan ng maliliit na hakbang tungkol sa ideya, bagay o pangyayari.
A) Organization B) Characterization C) Responding
|