GMRC 7 FERNANDEZ 1STQRTR
  • 1. Ano ang orihinal na kahulugan ng salitang “dignidad”?
A) Pagkakaroon ng kapangyarihan
B) Pagiging pantay sa lahat
C) Pagkakaroon ng mataas na estado
D) Pagiging karapat-dapat sa respeto dahil sa estado
  • 2. Ano ang mahalagang dokumento ng United Nations(UN) ang nagbibigay ng kahalagahan sa

    karapatang pantao at dignidad ng bawat tao?
A) Universal Declaration of HumanJustice (UDHJ)
B) Universal Declaration of Human Dignity (UDHD)
C) Universal Declaration of Human Rights (UDHR)
D) Universal Declaration of Human Welfare (UDHW)
  • 3. Ano ang nagpapahigit sa tao sa ibang nilalang?
A) Siya ay mahal ng Diyos
B) Siya ay may damdamin
C) Siya ay may isip at kilos-loob
D) Siya ay nilikha ng Diyos
  • 4. Walang katapusan ang paghahanap ng tao ng katotohanan. Ano ang kahulugan ngpangungusap na ito.
A) Hindi perpekto ang tao at ang kanyang isip ay walang kakayahan na malaman ang katotohanan
B) walang katapusan ang pag-aaral ng tao hanggat sila ay nabubuhay
C) May limitasyon ang pag-iisip ng tao
D) Patuloy ang hilig ng tao hanggang matuklasan niya ang kanyangkapaligiran
  • 5. Saan nagkakatulad ang tao at hayop?
A) parehong may kakayahang magdesisyon
B) parehong responsible
C) parehong nakakaalam ng tama
D) parehong may damdamin
  • 6. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa kapangyarihan ng mga tao na pumili, magpasaya, at
    isakatuparan ang napili?
A) kalayaan
B) dignidad
C) kilos-loob
D) isip
  • 7. Hindi kailanman nanaisin ng kilos-loob ang masama sapagkat ito ay laging panig sa _____.
A) mabutI
B) tao
C) sarili
D) nakakarami
  • 8. Ayon sa kaniya ang kilos-loob ay ang makatuwirang pagkagusto.
A) Thomas Alba Edison
B) Diyos
C) Sto. Tomas de Aquino
D) Sto. Tomas de Aquinas
  • 9. Sa kaniya nagmula ang katotohanan at kabutihan.
A) Diyos
B) mga magulang
C) batas
D) guro
  • 10. Ayon sa kaniya, ang halaga ng isang bagay ay hindi lamang batay sa pagiging kapaki- pakinabang (utility) sa iba, kundi sa sariling kabutihan (goodness).
A) Aristotle
B) Sto. Thomas de Aquino
C) Mother Teresa
D) Emmanuel Kant
  • 11. Ano ang sinasabi sa Artikulo 1 ng Universal Declaration of Human Rights
    (UDHR)?
A) Lahat ng tao'y isinilang na malaya at pantay-pantay sa karangalan at mga karapatan.
B) Ang lahat ng tao'y isinilang na may kahinaan at pangangailangan.
C) Ang lahat ng tao'y isinilang na may kapangyarihan at kontrol sa iba.
D) Ang lahat ng tao'y isinilang na magkaiba at may iba't ibang karapatan.
  • 12. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng pagkilala sa dignidad ng ibang tao?
A) Ituring silang mga katuwang sa paglutas ng mga hamon at problema, at itaguyod ang kanilang pag-unlad at kapakanan sa pamamagitan ng pagbibigay ng tamang suporta at gabay.
B) Bigyan sila ng pagkakataong magpakita ng pagbabago at pag-unlad sa kabila ng kanilang mga pagkakamali.
C) Makipag-usap sa kanila nang may respeto at pag-unawa na naayon sa kanilang antas ng pamumuhay.
D) Pairalin ang pag-unawa at pakikiramay sa pamamagitan ng pagbibigay ng pangalawang pagkakataon at pagtanggap.
  • 13. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng tamang paggamit ng birtud?
A) Pagbibigay ng donasyon para lang makaiwas sa buwis
B) Pagtulong sa matanda sa pagtawid dahil alam mong ito ang tama
C) Pagpapakain sa mahirap habang may kamera
D) Pagtulong sa kapwa dahil gusto mong sumikat
  • 14. Ayon sa kaniya ang kilos-loob ay ang makatwirang pagkagusto.
A) Sto.Tomas de Aquinas
B) Thomas Alba Edison
C) Diyos
D) Sto. Tomas de Aquino
  • 15. Ang layunin ng
    ay mapabuti ang sarili at ang ibang tao.
A) konsensiya
B) puso
C) isip
D) kilos-loob
  • 16. 4. Hindi kailanman nanaisin ng kilos-loob ang masama sapagkat ito ay laging
    panig sa
    .
A) tao
B) nakakarami
C) mabuti
D) sarili
  • 17. Ito ay isa sa mga imahe ng Diyos na taglay mo at ng bawat tao na may
    kakayahan upang makaalam ng mga bagay na totoo.
A) kilos-loob
B) isip
C) konsensiya
D) puso
  • 18. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa kapangyarihan ng tao na pumili,
    magpasya, at isakatuparan ang napili?
A) dignidad
B) kalayaan
C) kilos-loob
D) isip
  • 19. Walang katapusan ang paghahanap ng tao ng katotohanan. Ano ang kahulugan ng pangungusap na ito?
A) May limitasyon ang pag-iisip ng tao.
B) Hindi perpekto ang tao at ang kaniyang isip ay walang kakayahan na malaman ang katotohanan.
C) Walang katapusan ang pag aaral ng tao hangga’t sila ay nabubuhay.
D) Patuloy ang hilig ng tao hanggang matuklasan niya ang kaniyang kapaligiran.
  • 20. Saan nagkakatulad ang tao at hayop?
A) parehong nakakaalam ng tama
B) parehong may damdamin
C) parehong may kakayahang magdesisyon
D) parehong responsable
  • 21. Ano ang nagpapahigit sa tao sa ibang nilalang?
A) Siya ay may damdamin
B) Siya ay nilikha ng Diyos
C) Siya ay may isip at kilos-loob
D) Siya ay mahal ng Diyos
  • 22. Ito ay ang katangian o kalagayan ng pagiging mabuti, kahusayang moral, o kagalingan.
A) kagalingan
B) katarungan
C) kabutihan
D) katalinuhan
  • 23. Dito nagmula ang salitang Latin na valore.
A) Virtus
B) Virtue
C) Pagpapahalaga
D) B at C
  • 24. Ito ay salitang Latin ng virtue. Ano ito?
A) Values
B) Virtus
C) A at C
D) Pagpapahalaga
  • 25. Ito ay mga pagpapahalaga na may kaugnayan sa pagtikim ng paboritong pagkain, pakikinig sa paboritong musika, pag-amoy sa bulaklak, pagtingin sa magagandang lugar, at paghawak sa malambot na unan.
A) Spiritual Values
B) Sensory Values
C) Virtus
D) Holy Values
  • 26. Halimbawa ng pagpapahalagang ito ay ang pagpapanatili ng katahimikan upang hindi maistorbo ang klase.
A) Sensory Values
B) Virtus
C) Spiritual Values
D) Holy Values
  • 27. Ang pagpapahalagang ito ay maaaring maisasabuhay sa pamamagitan ng pagsunod sa
    mga utos ng Panginoon at pagsasagawa nito.
A) Holy Values
B) Spiritual Values
C) Sensory Values
D) Virtus
  • 28. Ano ang tawag sa gawi ng paglalapat ng tamang kaalaman sa kilos?
A) Pagtitimpi
B) Maingat na Paghuhusga
C) Katarungan
D) Sining
  • 29. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng moral na birtud?
A) Maingat na Paghuhusga
B) Pag-unawa
C) Katarungan
D) Agham
  • 30. Alin sa mga sumusunod ang HINDI pagpapahalagang ispirituwal ayon kay Max Scheler?
A) Kagandahan
B) Katarungan
C) Luho
D) Katotohanan
  • 31. Paano maipapakita ang 'pagtitimpi' sa totoong buhay?
A) Pagsisigaw kapag nagalit
B) Pagtulog sa klase
C) Pag-away sa kaklase
D) Wala sa nabanggit
  • 32. Ang 'Banal na Pagpapahalaga' ay nangangahulugang:
A) Pagkakaisa sa pamayanan
B) Pagkilala sa sarili
C) Pagkamit ng kabanalan upang humarap sa Diyos
D) Pag-aaral ng agham
  • 33. Ano ang tawag sa birtud na nagbibigay-kakayahan sa taong lumikha ng maganda at makabuluhang bagay?
A) Sining
B) Pagtitimpi
C) Katarungan
D) Karunungan
  • 34. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng espirituwal na pagpapahalaga?
A) Pagpapakita ng talento sa Tiktok
B) Pagdarasal para sa kapayapaan
C) Pagsuot ng mamahaling damit
D) Paglalakwatsa habang may pasok
  • 35. Bakit mahalaga ang birtud sa bawat kilos ng tao?
A) Upang maiba sa karamihan
B) Gabay ito sa paggawa ng mabuti at tama
C) Para lang makuha ang papuri
D) A at B
  • 36. Ang moral na birtud ay may kinalaman sa pag-unawa ng tao.
A) Maari
B) Mali
C) Tama
  • 37. Maaaring magkaroon ng birtud ang isang hayop.
A) Mali
B) Maari
C) Tama
  • 38. Ang katatagan ay mahalaga sa pagharap sa mga pagsubok sa buhay
A) Maari
B) Mali
C) Tama
  • 39. Lahat ng uri ng pagpapahalaga ay pantay-pantay ang antas.
A) Tama
B) Mali
C) Maari
  • 40. Alin ang nagpapakita ng kawalan ng pagpapahalaga?
A) Pagsisinungaling
B) Pagtitiyaga sa gawain
C) Pagtulong sa kapwa
D) Paggalang sa nakatatanda
  • 41. Ano ang dapat gawin kapag nahaharap sa mabigat na suliranin?
A) Tumakas
B) Magalit sa kapwa
C) Humingi ng tulong
D) Manisi ng iba
  • 42. Ang pagsasabuhay ng birtud ay nakatutulong upang…
A) Maging magulo
B) Maging tamad
C) Mapanatili ang masamang asal
D) Maging mabuting tao
  • 43. Alin ang tamang gamit ng pagpapasya ayon sa birtud?
A) Kapag ito’y madaling gawin
B) Kapag ito’y magpapasikat
C) Kapag ito’y makabubuti sa sarili at kapwa
D) Kapag ito’y magpapayaman
  • 44. Bakit mahalaga ang integridad sa ating pagkatao?
A) Upang makapandaya
B) Upang makuha ang gusto
C) Upang mapanatili ang tiwala ng iba
D) Upang makaiwas sa responsibilidad
  • 45. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagpapahalaga sa kapwa?
A) Pagdadamot
B) Pagtatalo
C) Pagkukutya
D) Pagpaparaya
  • 46. Ano ang kahulugan ng matatag na pagkatao?
A) Palaging nag-aalinlangan
B) Takot sa hamon
C) Madaling magalit
D) Tumitindig sa kabutihan
  • 47. Ito ay intelektual na birtud at pangunahin sa lahat ng birtud at ito ay nagpapaunlad ng isip.
A) Pag-unawa
B) Karunungan
C) Agham
D) Maingat na paghusga
  • 48. Ito ay nagmula sa labas ng tao. Tinataag din na pangkalahatang katotohanan na tinatanggap ng tao bilang mabuti at mahalaga. Ito ang nagbubuklod sa lahat ng tao sa Diyos.
A) Ganap na Pagpapahalaga
B) Pagpapahalagang Kultural na Panggawi
C) Fortutude
D) Maingat na Paghuhusga
  • 49. Mga pagpapahalagang nagmula sa loob ng tao. Ito ay maaaring sariling pananaw ng tao o kolektibong paniniwala sa isang pangkat kultural.
A) Pagpapahalagang Kultural na Panggawi
B) Prudence
C) Ganap na Pagpapahalaga
D) Temperance
  • 50. Ito ay sistematikong kalipunan ng mga tiyak at tunay kaalaman na bunga ng pagsasaliksik at pagpapatunay.
A) Agham
B) Prudence
C) karunungan
D) Pag-unawa
Created with That Quiz — the site for test creation and grading in math and other subjects.