2nd_periodical Exam_A.P10_mondartebrixyqt
  • 1. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang patungkol sa Migrasyon?
A) Mahilig si Xeno at Siya maglaro sa labas, isang araw pinuntahan ni Xeno si Siya upang ayaing maglaro subalit hindi pinayagan si siya na maglaro sa labas kaya si Xeno nalamang ang mag-isang naglaro sa labas
B) Si mark ay tahimik lang na nanonood ng balita sa telebisyon patungkol sa mga palipat-lipat ng trabaho dahil sa maliit liit na suweldo.
C) Si Aling Nina Ay nangibang bansa para makapagtrabaho upang mapag-aral at matustusan ang mga pangangailangan ng kaniyang anak.
D) Si Joswa ay palaging naglalakad patungo sa kanilang paaran upang makatipid sa pera at para hindi mabawasan ang kaniyang baon.
  • 2. Maliit lang ang suweldo dito sa Pilipinas kaya marami sa mga kababayan natin ang maspinili na makipag sapalaran sa ibang bansa upang magkaroon ng mataas at maayos na suweldo na makatutulong sa mga pangangailangan ng kanilang pamilya. Anong uri ng dahilan ng migrasyon ang ginamit sa pangungusap?
A) Pagkakataong mangibang bansa at maglakbay
B) Mas mataas na sweldo at maraming magagandang benepisyo (Better pay, better benefits)
C) Kaguluhan sa Pamahalaan (Political turmoil)
D) Maraming mapagpipiliang trabaho (More Job Opportunities)
  • 3. Ayon sa Jobstreet, Bago pa man magkaroon ng pandemya, mataas na talaga ang demand sa Filipino healthcare workers. Kaya naman binibigyan pansin ngayon ng ating gobyerno ang mabilis na proseso ng pagdeploy sa mga healthcare workers kabilang ang mga doktor, nars, pediatricians, at veterinarians. Sa patuloy na banta ng Coronavirus, asahan ang patuloy na demand nito sa USA, Canada, New Zealand, at Middle East. Anong uri ng dahilan ng migrasyon ang ginamit sa pangungusap?
A) Pagkakataong mangibang bansa at maglakbay
B) Kaguluhan sa Pamahalaan (Political turmoil)
C) Mas mataas na sweldo at maraming magagandang benepisyo (Better pay, better benefits)
D) Maraming mapagpipiliang trabaho (More Job Opportunities)
  • 4. Bilang isang mag-aaral ano ang positibong epekto ng migrasyon sa bansa?
A) Nakatutulong ito na magsimula muli ng panibagong buhay.
B) Napapataas nito ang kalidad ng buhay ng mga mamamayan sa bansa. Ang perang ipinadala ay nakatutulong upang punan ng mga pangangailangan sa buhay gaya ng pantustus sa pag-aaral, pagkain, kasuotan at iba pa.
C) Ito ay nagiging sanhi ng diskriminasyon sa lahi at pang-aabuso ng mga iilang amo sa ibang bansa
D) Nakatutulong ito upang mabawasan ang mga hinanakit na ibinigay satin.
  • 5. Alin sa mga sumusund na pahayag ibig sabihin ng salitang Multi-Culturalism?
A) Iisang kultura na ipinasa pa mula sakanilang mga ninuno
B) Magkahalong Kultura Mula sa Iba’t ibang lahi
C) Paniniwala na may mataas o nakalalamang ang isang lahi o pangkat ng tao o nasyon
D) Kabuuang halaga sa pamilihan mga produkto at serbisyong ginawa sa loob ng bansa sa isang takdang panahon.
  • 6. Alin sa mga sumusund na pahayag ibig sabihin ng salitang Racism?
A) Paniniwala na may mataas o nakalalamang ang isang lahi o pangkat ng tao o nasyon
B) Iisang kultura na ipinasa pa mula sakanilang mga ninuno
C) Kabuuang halaga sa pamilihan mga produkto at serbisyong ginawa sa loob ng bansa sa isang takdang panahon.
D) Magkahalong Kultura Mula sa Iba’t ibang lahi
  • 7. Alin sa mga sumusund na pahayag ibig sabihin ng salitang Gross Domestic Product?
A) Iisang kultura na ipinasa pa mula sakanilang mga ninuno
B) Kabuuang halaga sa pamilihan mga produkto at serbisyong ginawa sa loob ng bansa sa isang takdang panahon.
C) Paniniwala na may mataas o nakalalamang ang isang lahi o pangkat ng tao o nasyon
D) Magkahalong Kultura Mula sa Iba’t ibang lahi
  • 8. Alin sa mga sumusunod na mga dahilan ang nagpapaliwanag ng kaguluhan sa lipunan?
A) c.Laganap na kahirapan na nagdudulot ng pagtaas ng krimen sa mga lunsod.
B) d.Lahat ng nabanggit
C) b.Maraming lumilipat ng tirahan dahil sa lugar ng pinag tatrabahuhan upang mas makatipid sa gastusin sa pang-araw-araw.
D) a.Mataas na paangangailangan sa osang uri ng trabaho na maaaring magudyok sa ilang mga mamamayan sa bansa na mangibang bansa.
  • 9. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa mga alitan ng mga magkakaratig-bansa tungkol sa kani-kaniyang teritoryo at paniniwalaang haangganan nito?
A) Social Conflict
B) Border Conflict
C) Economic Conflict
D) Territory o nasasakupan
  • 10. Ito ang opisyal na tawag sa katubigan na nasa silangang bahagi ng South China Sea na sakop rin ng Ekslusibong Sonang Ekonomiko ng Pilipinas. Ipinag-uutos ng pamahalaan ang paggamit nito sa mga mapa, komunikasyon at mga dokumento. Ano ang tawag dito?
A) Mischief Reef
B) Scarborough Shoal
C) East Philippine Sea
D) West Philippine Sea
  • 11. Alin sa mga sumusunod ang tamang kahulugan ng “EEZ”?
A) Exclusive Economic Zone
B) Inclusive Economic Zone
C) Exclusive Economic Zones
D) Inclusive Economic Zones
  • 12. Alin sa mga sumusunod ang tamang kahulugan ng “UNCLOS”?
A) United Nations Conferences on the law of the Seas
B) United Nations Conference on the law of the Sea
C) United Nations Conferences on the law of the Sea
D) United Nations Conference on the law of the Seas
  • 13. Alin sa sumusunid ang HINDI maituturing na negatibong epekto ng dinastiyang politikal?
A) Pagpapatuloy ng maayos at epektibong pamamahala
B) Pagkakaroon ng korapsyon karahasan, pandaraya, at patronage sa politika
C) Pagkakaroon ng Political inequality
D) Pagkawala ng Check and balance sa pamahalaan
  • 14. Si brixy ay isang Cute na may-ari ng isang malaking pasugalan sa Dimatagpuan City Sa parting Luzon tuwing katapusan ng buwan ay nag bibigay siya ng pera sa mayor ng Dimatagpuan City bilang kapalit bibigyan ng proteksiyong ang kaniyang pasugalan. Base sa nabasang pangungusap anong uri ito ng Coruption sa Pilipinas?
A) Pandaraya o pamemeke (Fraud)
B) Pag-iwas sa Subasta (Evasion of public Bidding)
C) Paglustay ng pera, pagnanakaw (Embezzlement, thift)
D) Tong
  • 15. Kukuha si brixy ng driver’s license, sa halip na idaan ni brixy sa tamang proseso ang pagkuha ng driver’s license ipinaasikaso na lamang niya ito sa iba bagamat mahal ang bayad mabilis naman niya itong makukuha. Anong uri ito ng Coruption sa Pilipinas?
A) Embezzlement, thift
B) Bribery
C) Ghost Project
D) Fraud
  • 16. Alin sa mga sumusunod ang pinakapangunahing dahilan ng territorial at border conflict sa pagitan ng mga bansa sa Asya?
A) Pagkakaiba ng wika at kultura
B) Kakulangan ng likas na yaman sa loob ng teritoryo
C) Hindi malinaw na kasunduan o historical claims sa mga hangganan
  • 17. Kapag ang dalawang bansa ay patuloy na nag-aagawan sa isang teritoryo, alin sa mga sumusunod ang hindi direktang epekto ng ganitong tunggalian?
A) Pagtaas ng military spending
B) Pagkakaroon ng dislokasyon ng mga sibilyan
C) Pagpapalakas ng diplomatikong ugnayan
D) Pagbabago ng pamumuhay sa mga lugar malapit sa border
  • 18. Kung ikaw ay tagapayo ng United Nations, alin sa mga sumusunod na hakbang ang pinakamabisang paraan upang maiwasan ang paglala ng territorial conflict sa pagitan ng dalawang bansa na parehong may historical claim sa isang teritoryo?
A) Hikayatin silang magpataas ng military presence upang maprotektahan ang karapatan nila
B) Imungkahi ang joint development o shared economic zone habang patuloy ang negosasyon
C) Ipagpaliban ang usapin at ituon muna sa usaping pangkultura
D) Hayaang ang lokal na populasyon ang magdesisyon sa pamamagitan ng referendum
  • 19. Sa iyong pagsusuri, alin sa mga sumusunod ang pinakamalaking pangmatagalang epekto ng patuloy na border conflict sa isang rehiyon tulad ng Southeast Asia?
A) Pagdami ng mga kasunduan sa kalakalan
B) Pagbawas ng foreign investment at kabuhayang panturismo
C) Pagbaba ng antas ng edukasyon
D) Pagtaas ng lokal na produksyon ng agrikultura
  • 20. Kung ipagpapalagay mong isang bansa ang nagsimulang magpalawak ng teritoryo sa dagat na pag-aari ng iba, alin sa mga sumusunod ang pinakamabisang tugon ng mga karatig-bansa upang mapanatili ang kapayapaan at soberanya?
A) Pagbuo ng alyansa o regional defense pact upang ipakita ang kolektibong lakas
B) Pagbabalewala sa isyu upang maiwasan ang tensyon
C) Pagsasara ng lahat ng diplomatikong ugnayan sa nasabing bansa
D) Pagbabalikwas sa pamamagitan ng economic sanctions lamang
  • 21. Alin sa mga sumusunod ang pinakamalalim na dahilan kung bakit patuloy na nananatili ang political dynasties sa Pilipinas?
A) Kakulangan ng batas na tahasang nagbabawal dito
B) Malalim na ugat ng patronage politics o sistemang utang na loob
C) Masiglang partisipasyon ng kabataan sa halalan
D) Pagtaas ng antas ng edukasyon sa mga lalawigan
  • 22. Sa pagsusuri ng epekto ng political dynasties, alin sa mga sumusunod ang pinakamalaking panganib sa demokrasya ng bansa?
A) Pagiging mas episyente ng mga proyekto sa lokal na antas
B) Pagdami ng mga political party
C) Pagtaas ng kabuuang GDP ng bansa
D) Pagbaba ng kompetisyon sa halalan at representasyon ng mamamayan
  • 23. Kung ikaw ay isang mamamayan sa isang probinsyang matagal nang pinamumunuan ng iisang pamilya, alin sa mga sumusunod na hakbang ang pinakamabisang paraan upang maputol ang siklo ng political dynasty?
A) Huwag bumoto sa kahit sinong kandidato
B) Maghintay ng pagbabago mula sa kongreso
C) Suportahan ang mga independent o bagong partido na may malinaw na plataporma
D) Magreklamo sa social media
  • 24. Alin sa mga sumusunod ang posibleng positibong epekto ng political dynasty sa lokal na pamahalaan?
A) Pagkakaroon ng mas maraming alternatibong kandidato sa bawat halalan
B) Pagtaas ng transparency sa paggamit ng pondo
C) Mas mabilis na pagpapatuloy ng mga proyekto at polisiya dahil sa iisang direksyon ng pamumuno
D) Pagbawas ng impluwensya ng pamilya sa politika
  • 25. Sa pagsusuri, bakit sinasabing nagpapahina ng demokrasya ang political dynasties sa Pilipinas?
A) Dahil sila ang dahilan ng pagkakaroon ng multi-party system
B) Dahil nababawasan ang oportunidad ng ibang mamamayan na makapagsilbi sa pamahalaan
C) Dahil mas madalas silang nagmumula sa mahihirap na sektor
D) Dahil madalas nilang ipaglaban ang karapatan ng mga minoridad
  • 26. Kung titingnan mula sa administrative efficiency, alin sa mga sumusunod ang pinakamainam na argumento pabor sa political dynasty?
A) Nagbibigay ito ng mas maraming opurtunidad sa mga kabataan sa pulitika
B) Nililimitahan nito ang korapsyon dahil magkakamag-anak ang namumuno
C) Mas pamilyar sila sa istruktura ng pamahalaan at mas madali ang koordinasyon sa mga proyekto
D) Nagreresulta ito sa mas patas na pamamahagi ng yaman sa mga rehiyon
  • 27. Sa pananaw ng pampulitikang etika, alin sa mga sumusunod ang pinakamalinaw na negatibong epekto ng political dynasties?
A) Nagbubunsod ng nepotismo at kawalan ng merit-based na pamumuno
B) Nagbibigay ng pantay na oportunidad sa mga kandidato
C) Nagpapalakas ng partisipasyon ng kabataan sa halalan
D) Nagiging mas matatag ang mga institusyon ng pamahalaan
  • 28. Kung ikaw ay tagasuri ng mga reporma sa pamahalaan, alin sa mga sumusunod na balanseng pananaw ang pinakatumpak tungkol sa political dynasties?
A) Maaaring maging mabuti ito kung ginagamit sa tapat at makataong pamumuno
B) Laging masama ang political dynasty at dapat ipagbawal agad
C) Walang epekto ang political dynasty sa pamahalaan
D) Dapat lamang payagan kung lahat ng miyembro ay mayaman
  • 29. Alin sa mga sumusunod ang pinakamalinaw na senyales ng sistematikong korapsyon sa isang pampublikong institusyon?
A) Mataas na partisipasyon ng mamamayan sa eleksyon
B) Madalas na pagpapalit ng liderato
C) Kakulangan ng transparency sa paggamit ng pondo at proyekto
D) Pagtaas ng sahod ng mga kawani ng gobyerno
  • 30. Sa pagsusuri, bakit mahirap sugpuin ang pangunguwalta sa ilang sangay ng pamahalaan?
A) Dahil sobra ang pag-audit ng mga ahensya
B) Dahil sa malakas na ugnayan ng pulitika at interes ng mga makapangyarihan
C) Dahil walang nag-uulat ng anomalya
D) Dahil kulang sa batas laban sa korapsyon
  • 31. Kung ikaw ay isang mamamayan na nakatuklas ng katiwalian sa lokal na pamahalaan, alin sa mga sumusunod ang pinakaetikal at epektibong paraan ng pagkilos?
A) Manahimik upang maiwasan ang gulo
B) Ipasa ang impormasyon sa tamang ahensya tulad ng Ombudsman
C) Magprotesta nang walang malinaw na layunin
D) I-post agad sa social media nang walang ebidensya
  • 32. Batay sa prinsipyo ng accountability at transparency, alin sa mga sumusunod na reporma ang pinakamabisang paraan upang mabawasan ang korapsyon sa pamahalaan?
A) Pagtatalaga ng mga kamag-anak bilang tagasuri ng proyekto
B) Pagtaas ng sahod ng lahat ng opisyal ng gobyerno
C) Pagpapatupad ng e-governance at open data systems para masubaybayan ng publiko ang pondo
D) Pag-alis ng mga audit system upang pabilisin ang proseso
  • 33. Kapag ang isang opisyal ng gobyerno ay tumatanggap ng “under-the-table” na bayad upang mapabilis ang isang serbisyo, anong uri ng korapsyon ito?
A) Extortion (Pangingikil)
B) Embezzlement (Paglustay ng pondo ng bayan)
C) Bribery (Pagsuhol)
D) Nepotism (Paboritismo sa kamag-anak)
  • 34. Isang alkalde ang nagtalaga ng kanyang anak bilang “consultant” ng lungsod kahit walang sapat na kwalipikasyon. Anong uri ng korapsyon ito?
A) Kickback
B) Nepotism
C) Fraud
D) Bribery
  • 35. Kung ang isang opisyal ay naglalabas ng pekeng resibo upang makakuha ng dagdag na pondo sa proyekto, anong uri ng korapsyon ang nagaganap?
A) Nepotism
B) Favoritism
C) Fraud
D) Bribery
  • 36. Ang isang mambabatas ay nakakatanggap ng bahagi ng pondo mula sa mga kontratista bilang kapalit ng pag-apruba ng proyekto. Ano ang tawag sa ganitong uri ng korapsyon?
A) Nepotism
B) Kickback
C) Extortion
D) Bribery
  • 37. Kapag ang isang pulis ay humihingi ng pera mula sa isang drayber kapalit ng hindi pag-isyu ng ticket, anong uri ng korapsyon ito?
A) Bribery
B) Nepotism
C) Fraud
D) Extortion
  • 38. Alin sa mga sumusunod ang pinakapangunahing dahilan ng patuloy na korapsyon sa Pilipinas?
A) Pagtaas ng sahod ng mga opisyal ng gobyerno
B) Mababang kita ng mga negosyante
C) Kakulangan ng likas na yaman
D) Kakulangan ng moral na pamumuno at pananagutan
  • 39. Bakit nagiging madaling kapitan ng korapsyon ang mga ahensyang may kontrol sa pondo ng gobyerno?
A) Dahil masyadong maraming empleyado
B) Dahil madalas silang pinupuri ng mamamayan
C) Dahil hindi sila sakop ng batas laban sa graft
D) Dahil kakaunti ang audit at transparency sa kanilang operasyon
  • 40. Ano ang papel ng kultura ng utang na loob sa pagpapalaganap ng korapsyon?
A) Nagpapalawak ito ng oportunidad sa kabataan
B) Nagpapalakas ito ng disiplina sa mga lingkod-bayan
C) Nagpapababa ito ng tiwala sa pamilya
D) Nagiging dahilan ito ng pagbibigay ng pabor sa halip na patas na serbisyo
Created with That Quiz — where test making and test taking are made easy for math and other subject areas.