CWTS reviewer
  • 1. nagsasalaysay ng buhay, pamumuhay, lipunan, pamahalaan, pananampalataya at mga karanasang kaugnay ng iba’t ibang uri ng damdamin
A) Salaysay
B) Tula
C) Panitikan
D) Dula
  • 2. nagamit din ni Rizal bilang batayan ng kaniyang sulatin.
A) Uncle Tom’s Cabin
B) Iliad at Oddysey ni Homer
C) Canterbury Tales
D) Divina Comedia
  • 3. Naging batayan ng pananampalataya ng mga kristiyano.
A) Divina Comedia
B) Bibliya
C) Isang libo, isang gabi
D) Koran
  • 4. Bibliya ng mga Muslim
A) Koran
B) Bibliya
C) Aklat ng mga Patay
D) El Cid Campeador
  • 5. nagbukas ng kaisipan ng mga Amerikano sa kaapihan ng mga lahing itim at pinagsimulaan ng pandaigdigang paglaganay ng demokrasya.
A) Mahabharata
B) Uncle Tom’s Cabin
C) Divine comedy
  • 6. kinatutuhan ng mga Alamat at mitolohiya.
A) Iliad at Oddysey ni Homer
B) Canterbury Tales
C) Aklat ng mga Araw ni Confucius
  • 7. nagpapahayag ng pananampalataya, moralidad at pag-uugali ng mga italyano sa kapanuhunang yaon.
A) Divina Comedia ni Dante
B) Awit ni Rolando
C) Canterbury Tales
  • 8. Naglalarawan ng mga kaugalian at pananampalataya ng mga Ingles.
A) Canterbury Tales ni Chaucer
B) Isang libo isang gabi
C) Divina Comedia ni Dante
  • 9. naging batayan ng pananampalataya at kalinangang ng mga intsik.
A) Aklat ng mga Araw ni Confucius
B) El Cid Campeador
C) Isang libo, isang gabi
  • 10. naglalarawan ng pamumuhay ng mga tao sa Arabya at Persya.
A) Awit ni Rolando
B) Isang libo, isang gabi
C) El Cid Campeador
  • 11. tumatalakay sa kasaysayan ng Espanya at naglalarawan ng katangiang panlahi ng mga kastila.
A) El Cid Campeador
B) Awit ni Rolando
C) Aklat ng mga Patay
  • 12. Awit ni Rolando nagsasalaysay ng panahong ginto ng Kristiyanismo sa Pransya, napapaloob dito ang Ronces Valles Doce Pares.
A) Aklat ng mga Patay
B) Isang libo, isang gabi
C) Awit ni Rolando
  • 13. ipinalalagay na pinakamahabang epiko sa buong mundo na tumatalakay sa pananampalataya sa Indiya.
A) Aklat ng mga Patay
B) Awit ni Rolando
C) Mahabharata
  • 14. ito ay nabubuo sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng maanyong salita sa mga taludtod na may sukat o bilang ng mga pantig at pagtutugma
A) Patula
B) Tula
C) Tuluyan o prosa
  • 15. ito’y nabubuo sa pamamagitan ng malayang pagsasama-sama ng mga salita sa mga pangungusap. Hindi limitado o pigil ang paggamit ng mga pangungusap ng may-akda
A) Patula
B) Awit
C) Tuluyan o Prosa
  • 16. Isang uri ng sining at panitikan na kilala sa malayang paggamit ng wika sa iba't ibang anyo at estilo
A) Tula
B) Alamat
C) Nobela
  • 17. Ito ay nagtataglay ng mga karanasan, kaisipan, guniguni, pangarap at iba’t ibang damdaming maaaring madama ng may-akda o ng ibang tao. Ito ay tula na maikli at payak lamang.
A) Tulang Patnigan
B) Tulang Pasalaysay
C) Tulang Liriko
  • 18. Binubuo ng apat na taludtod ang bawat saknong,na ang bawat taludtod ay may 12 pantig(sad love song)
A) Awit
B) Soneto
C) Oda
  • 19. Karaniwang mga 14 na linya,hingil sa kaisipan ng damdamin at malinaw na kabatiran sa likas na pagkatao.
A) Oda
B) Soneto
C) Elehiya
  • 20. liriko o tula na nakasulat bilang paruri at dedikasyon ng isang tao o Isang bagay.
A) Oda
B) Dalit
C) Elehiya
  • 21. Isang tulang may kinalaman sa guniguni tungkol sa kamatayan
A) Awit
B) Elehiya
C) Oda
  • 22. Tulang karaniwang pang relihiyon particular na nakasulat para sa layunin ng papuri ,pagsamba o panalangin.
A) Oda
B) Dalit
C) Soneto
  • 23. Naglalahad ng makukulay at mahahalagang tagpo sa buhay tulad ng pag-ibig, pagkabigo at tagumpay. Naglalahad din ito ng katapangan at kagitingan ng mga bayan sa pakikidigma.
A) Tulang patingan
B) Tulang Pangtanghalan
C) Tulang Pasalaysay
  • 24. Nagsasalaysay ng kagitingan ng isang tao, ang kanyang pakikipagtunggali sa mga kaaway at mga tagumpay niya sa digmaan. Hindi kapani-paniwala ang ibang pangyayari at maituturing na kababalaghan ito.
A) Karaniwang tulang pasalaysay
B) Kurido
C) Epiko
  • 25. tungkol ito sa mga paksayng may kinalaman sa pakikipagsapalaran ng mga kilalang tao sa mga kaharian tulad ng hari, reyna, prinsipe, prinsesa at iba pang dugong mahal na layunin ay palaganapin ang kristiyanismo.
A) Dalit
B) Awit at Kurido
C) Oda
  • 26. Ang paksa ay tungkol sa mga pangyayari sa pang-araw-araw na buhay.
A) Karaniwang Tulang Pasalaysay
B) Talambuhay
C) Kuwento ng Katutubong kulay
  • 27. Kabilang sa uring ito ang karagatan, duplo at balagtasan
A) Tulang Pasalaysay
B) Tulang Pangtanghalan o Padula
C) Tulang Patnigan (Joustic Poetry)
  • 28. Katulad din ito ng karaniwang dula, ang kaibahan lamang ay binibigkas ng mga tauhan ang kanilang mga diyalogo sa paraang patula. Maaaring isama sa uring ito ang mga tulang binibigkas sa sarswela at komedya
A) Tulang Patingan
B) Tulang Pasalaysay
C) Tulang Pantanghalan o Padula
  • 29. Isang anyo ng panitikan na may layuning magsalaysay ng isang maselan at nangingibabaw na pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan. Ito’y nag-iiwan ng isang kakintalan sa isip ng mga mambabasa. Pangunahing layunin nito ang manlibang.
A) Alamat
B) Kuwentong bayan
C) maikling kwento
  • 30. Ama ng Maikling Kwento”
A) Edgar Allan Poe
B) Pascual Poblete
C) Antonio Luna
  • 31. Ang pondasyon ng bawat kwento. Pangunahing umaakit sa mga mambabasa at naglalarawan ng pook at tauhang bibida sa kwento.
A) Kasukdulan
B) Kakalasan
C) Panimula
  • 32. naglalarawan ng simulain patungo sa paglalahad ng unang suliraning inihahanap ng lunas. Sa bahaging ito marapat na mapalalim ang interes ng mga mambabasa at maramdaman na ang pamiminto ng mga pangyayaring gigising sa kanyang tiyak na damdamin.
A) Panimula
B) Saglit na kasiglahan
C) Kasukdulan
  • 33. Sa puntong nagkakaroon na ng kasiglahan sa kwento, papagitna ang suliranin na gigising sa damdamin at paggana ng utak ng mga mambabasa. Ito ay ang mga pangyayaring hinahanapan ng lunas na lumilikha ng isang pagkawiling pasidhi nang pasidhi.
A) Kakalasan
B) Kasukdulan
C) Suliranin
  • 34. Nagsasaad ng pinakamasidhing kawilihan o pananabik. Ito’y dapat ilarawan nang mabilisan, tiyak o malinaw at maayos. Hindi nararapat magkaroon ng anumang paliwanag sa bahaging ito sapagkat maaaring mawalan ng bisa ang kasukdulan.
A) Saglit na kasiglahan
B) Kasukdulan
C) Kakalasan
  • 35. hindi mahaba at hindi pinupuno ng mga paliwanag na nagiging dahilan ng pagkasira ng bis anito. Hinahayaan sa bahaging ito na mag-isip ang mga mambabasa at siyang tumapos ng kuwento.
A) Suliranin
B) Kakalasan
C) Saglit na kasiglahan
  • 36. Walang katangiang nangingibabaw, timbang na timbang ang mga bahagi, hindi nagmamalabis bagama’t masaklaw, maluwag ang pagsasalaysay at hindi apurahan.
A) Kuwento ng Sikolohika
B) Kuwento ng talino
C) Salaysay
  • 37. Binibigyang kasiyahan sa kuwentong ito ang ating pananabik sa mga bagay na kataka-taka at salungat sa wastong bait at kaisipan.
A) Kuwento ng Kababalaghan
B) Kuwento ng Katatakutan
C) Kuwento ng Madulang Pangyayari
  • 38. Binibigyang-diin sa uring ito ang kapaligiran ng isang pook. Ang tagpuan ang higit na binibigyang-pansin. Inilalarawan ang mga tao sa isang pook ang kanilang pamumuhay, mga gawi, mga kaugalian at mga paniniwala.
A) Kuwento ng Katatawanan
B) Kuwento ng Sikolohika
C) Kuwento ng Katutubong Kulay
  • 39. May kabagalan at ilang paglihis sa balangkas ang galaw ng mga pangyayari sa kwento.
A) Kuwento ng Madulang Pangyayari
B) Kuwento ng Katatawanan
C) Kuwento ng Katatakutan
  • 40. Ang tauhan o mga tauhan sa kwento ang binibigyang-diin.
A) Kuwento ng Pakikipagsalaran
B) Kuwento ng Tauhan
C) Kuwento ng Talino
  • 41. Ang damdaming, sa halip na ang kilos ang binibigyang-diin dito. Pinupukaw ang damdamin ng mambabasa at ang mahalaga ay ang bisa at kaisahan.
A) Kuwento ng Katatakutan
B) Kuwento ng Kababalaghan
C) Kuwento ng Talino
  • 42. Ang kawilihan sa ganitong uri ng kwento ay nasa balangkas sa halip na sa mga tauhan ng kwento. Ang kawilihan ay nababatay sa pagsubaybay sa mga pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan sa kwento.
A) Kuwento ng Pakikipagsapalaran
B) Kuwento ng Kababalaghan
C) Kuwento ng Tauhan
  • 43. Kapansin-pansin ang pangyayari sa ganitong kwento. Ang pangyayari ay lubhang mahalaga at nagbubunga ng isang bigla at kakaibang pagbabago sa kapalaran ng mga tauhan sa kwento.
A) Kuwento ng Talino
B) Kuwento ng Madulang Pangyayari
C) Kuwento ng Tauhan
  • 44. Ang mag-akda ay lumilikha ng masuliraning kalagayan sa simula upang mag-alinlangan ang mambabasa hanggang sa sumapit ang takdang oras ng paglalahad. Ang umaakit sa mga mambabasa sa uring ito ay pagkakabuo ng balangkas sa halip na ang mga tauhang gumaganap.
A) Kuwento ng Talino
B) Kuwento ng Sikolohika
C) Kuwento ng Kababalaghan
  • 45. Inilalarawan ang mga tauhan sa isipan ng mga mambabasa. Ang suliranin ng may-akda ay maipadadama sa mambabasa, ang damdamin ng isang tao sa harap ng isang pangyayari.
A) Kuwento ng Kababalaghan
B) Kuwento ng Tauhan
C) Kuwento ng Sikolohika
  • 46. Isang anyo ng panitikan na nagtataglay ng maraming ligaw na tagpo. Ito’y maraming tauhan at nangangailangan ng mahabang kawing ng panahon.
A) Dula
B) Maikling Kuwento
C) Nobela
  • 47. Pinangingibabaw sa uring ito ng nobela ang mga pangangailangan, kalagayan at hangarin ng mga tauhan.
A) Nobelang makabanghay
B) Nobela ng kasaysayan
C) Nobela ng tauhan –
  • 48. Ang binibigyang-diin dito ay ang kasaysayan ng bayan o isang pook.
A) Nobela ng Kasaysayan
B) Nobelang makabanghay
C) Nobela ng tauhan
  • 49. Ang layunin at mga simulating lubhang mahalaga sa buhay ng tao at lipunan ang binibigyang-diin
A) Nobelang makabanghay
B) Nobela ng kasaysayan
C) Nobela ng Romansa
  • 50. Isang akdang pampanitikan na ang layunin ay itanghal sa pamamagitan ng pananalita, kilos at galaw ang kaisipan ng may-akda.
A) Talumpati
B) Dula
C) Alamat
  • 51. Ang bahaging ito ang ipinanghahati sad ula. Inilalahad ang pangmukhang tabing upang magkaroon ng panahong makapahinga ang mga nagsiganap gayundin ang mga manonood.
A) Tagpo
B) Yugto
C) Tanghal
  • 52. Ang bahaging ito ang ipinanghahati sa yugto kung kinakailangang magbago ng ayos ng tanghalan.
A) Tanghal
B) Yugto
C) Tagpo
  • 53. Ito ang paglalabas-masok sa tanghalan ng mga tauhang gumaganap sad ula.
A) Tanghal
B) Tagpo
C) Yugto
  • 54. Sa dulang ito ay may mahigpit na tunggalian. Mapupusok ang mga tauhan at ginagamitanng masisidhing damdamin. Ito’y nagwawakas sa pagkasawi o pagkamatay ng mga pangunahing tauhan.
A) Komedya
B) Trahedya
C) Melodrama
  • 55. Ang uring ito ay nagtatapos na masaya sapagkat ang mga tauhan ay nagkakasundo. Ang wakas ay kasiya-siya sa mga manonood.
A) Parsa
B) Melodrama
C) Komedya
  • 56. Ang dula ay nagwawakas na kasiya-siya sa mabubuting tauhan bagama’t ang uring ito’y may malulungkot na sangkap. Kung minsan ay labis ang pananalita at damdamin sa uring ito.
A) Saynete
B) Parsa
C) Melodrama
  • 57. Ang layunin ng dulang ito ay magpatawa sa pamamagitan ng kawiw-kawil na pangyayari at mga pananalitang lubhang katawa-tawa.
A) Parsa
B) Saynete
C) Komedya
  • 58. Ang pinakapaksa ng uring ito ay mga karaniwang ugali. Katulad ng parsa, ang dulang ito ay may layuning magpatawa.
A) Saynete
B) Komedya
C) Para
  • 59. Isang akdang pampanitikan na ang pinakadiwa ay mga bagay na makasaysayan at tumutukoy sa pinagmulan ng isang bagay o mga bagay.
A) Alamat
B) Pabula
C) Kwentong bayan
  • 60. Isang uri panitikan na kwentong walang may-akda at nagpapalipat-lipat lamang sa bibig ng mga tao.
A) Alamat
B) Parabula
C) kwentong bayan
  • 61. Salaysaying mula sa banal na kasulatan, nagpapahayag ito ng katotohanan at may layuning magbigay aral.
A) Parabula
B) Pabula
C) Dula
  • 62. Hayop ang gumaganap na binibigyan ng mga katangian ng mga tao.
A) Alamat
B) Parabula
C) Pabula
  • 63. Isang akdang nakatuon sa isang tanging paksa at naglalayong maglahad ng mga kuro-kuro o pananaw ng may-akda.
A) Talambuhay
B) Salaysay
C) Sanaysay
  • 64. Akdang tungkol sa kasaysayan ng buhay ng isang tao.
A) Talambuhay
B) Salaysay
C) Talumpati
  • 65. Isang pagpapahayag sa harap ng mga taong handang makinig. Layunin nito na magpahatid ng mahalagang ideya tungkol sa isang paksa upang makaakit o magpapaniwala.
A) Talambuhay
B) Talumpati
C) Salaysay
  • 66. Bahaging naghahanda sa kaisipan ng mga nakikinig upang maakit ang kanilang kawilihan.
A) Paglalahad
B) Panimula
C) Paninindigan
  • 67. Bahaging nagpapaliwanag, ito ang katawan ng talumpati.
A) Pamimitawan
B) Paninindigan
C) Paglalahad
  • 68. Bahaging naglalaman ng mga katunayan o ebidensya ng nagtatalumpati.
A) Paninindigan
B) Pamimitawan
C) Paglalahad
  • 69. pangwakas na bahagi ng talumpati.
A) Paglalahad
B) Pamimitawan
C) Paninindigan
  • 70. paglalahad ng mga nangyayari sa loob at labas ng bansa. Ito’y nagbibigay ng mahahalagang impormasyong nagpapabago sa takbo ng buhay. May mga balitang pampulitika, pangkabuhayan, pang-edukasyon, panlipunan, panreligiyon, pang-agham, pangkalusugan at iba pa.
A) Talambuhay
B) Talumpati
C) Balita
  • 71. nangangailangan ng maingat na pagpili at paghahanap ng mga salita, maayos at mabisang paglalahad ng mga kaisipan, lubos na kaalaman sa paksa at mahusay at malinaw na pagbubuo ng mga pangungusap.
A) Malaya o di pormal
B) Abnormal
C) Maanyo o pormal –
  • 72. Higit na madali at magaang sulatin sapagkat simple, kadalsang natural ang paglalahad ng mga kaisipan at parang nakikipag-usap lamang.
A) Malaya o di pormal
B) Maayos o pormal
C) Animal
Created with That Quiz — where a math practice test is always one click away.