ThatQuiz Test Library Take this test now
2nd Quarter Exam ESP Doguitom Grade 8
Contributed by: Doguitom
  • 1. Ano ang ibig sabihin ng “kapwa”?
A) Kapantay o kaparehong tao
B) Bagay na gamit araw-araw
C) Sarili lamang
D) Hayop na alaga
  • 2. Bakit mahalagang pahalagahan ang ating kapwa?
A) Dahil utos ng guro
B) Dahil bahagi sila ng ating buhay at lipunan
C) Dahil masaya ito gawin minsan
D) Dahil may gantimpala
  • 3. Anong ugali ang nagpapakita ng pagpapahalaga sa kapwa?
A) Pagtutulungan
B) Pananakit
C) Pagsisinungaling
D) Panlalamang
  • 4. Ang pagbibigay-galang sa matatanda ay halimbawa ng:
A) Katapatan
B) Pagmamalasakit
C) Katamaran
D) Pagpapahalaga sa kapwa
  • 5. Kung ang isang kaklase mo ay nahulog ang kanyang gamit, ano ang nararapat gawin?
A) Pulutin at ibalik sa kanya
B) Pabayaan lang
C) Tawanan siya
D) Pagsabihan ng mali
  • 6. Ano ang mas mainam na paraan ng pagpapakita ng respeto?
A) Pagtatawanan ang pagkakamali
B) Pagtalikod habang may nagsasalita
C) Pagsigaw sa kausap
D) Pagmamano o pagbati ng magalang
  • 7. Anong ugali ang dapat pairalin upang maging maayos ang samahan ng mag-aaral?
A) Panlilibak
B) Ingitan
C) Pagkakaisa
D) Pagtatangi
  • 8. Ang pagiging tapat sa pakikipagkaibigan ay tanda ng:
A) Pagiging mapanghusga
B) Pagpapahalaga sa kapwa
C) Pagpapahalaga sa sarili
D) Pagiging masayahin
  • 9. Kapag may nangangailangan ng tulong, nararapat na:
A) Magkunwaring hindi nakita
B) Balewalain
C) Tawanan na lang
D) Alalayan kung kaya
  • 10. Paano mo maipapakita ang malasakit sa kapwa?
A) Pagpuna sa kanilang kahinaan
B) Pagtulong sa oras ng pangangailangan
C) Panlalamang upang ikaw ang makinaba
D) Pagtawa sa kanilang problema
  • 11. Ang pagbabahagi ng pagkain sa kapatid ay tanda ng:
A) Pagpapahalaga at pagmamalasakit
B) Pagiging tamad
C) Sakim na ugali
D) Pagiging makasarili
  • 12. Ano ang kabaligtaran ng pagpapahalaga sa kapwa?
A) Pagmamalasakit
B) Pagwawalang-bahala
C) Paggalang
D) pagmamahal
  • 13. Ang pagtulong nang walang kapalit ay tinatawag na:
A) Pagpapatawa
B) Katapatan
C) Pagmamalasakit
D) Pagtitipid
  • 14. Ang pagtulong sa mga nasalanta ng bagyo ay halimbawa ng:
A) Pagmamalaki
B) Pag-iwas
C) Pagkakawanggawa
D) Panlilibak
  • 15. Ano ang wastong gawin kung may kaibigan kang may problema?
A) Pabayaan siya
B) Ikalat ang kanyang sikreto
C) Pakinggan at damayan
D) Tawanan siya
  • 16. Anong salita ang pinakamalapit sa “pagpapahalaga sa kapwa”?
A) Pagwawalang-bahala
B) Pagmamalasakit
C) Pagmamataas
D) Pag-iisa
  • 17. Paano maipapakita ang respeto sa opinyon ng iba?
A) Pakinggan at igalang kahit di ka sang-ayon
B) Pilitin silang sumunod sa iyo
C) Ipagwalang-bahala
D) Tawanan at maliitin
  • 18. 18. Kung may kaklase kang nahihirapan sa aralin, ano ang dapat gawin?
A) Ipagmalaki na ikaw ay magaling
B) Iwasan siya
C) Tawanan siya
D) Tulungan at turuan siya
  • 19. Ang pagsunod sa alituntunin ng paaralan ay tanda ng:
A) Pagiging tamad
B) Pagwawalang-bahala
C) Pagiging sakim
D) Paggalang at pagpapahalaga
  • 20. Bakit mahalaga ang pagpapahalaga sa kapwa?
A) Dahil ito ay utos lamang ng guro
B) Nagdudulot ito ng pagkakaisa at magandang samahan
C) Para makakuha ng kapalit
D) Upang magkaroon ng parangal
  • 21. Ano ang pinakamahalagang batayan ng tunay na pagkakaibigan?
A) Magandang itsura
B) Katapatan at tiwala
C) Parehong interes
D) Kayamanan
  • 22. Bakit mahalaga ang komunikasyon sa pagkakaibigan?
A) Para mapatatag ang ugnayan
B) Para malaman ang sekreto ng isa’t isa
C) Para makapagbiruan araw-araw
D) Para laging magkasama
  • 23. Kung ang kaibigan mo ay nagkamali, ano ang pinakamahusay mong gawin?
A) Sumbong sa iba
B) Kaibiganin pa rin ngunit patnubayan
C) Kalimutan ang nangyari
D) Iwasan siya
  • 24. Ang tunay na kaibigan ay nakikilala sa panahon ng ____.
A) Pagsubok
B) Kasiyahan
C) Kapistahan
D) Tagumpay
  • 25. Bakit hindi dapat basehan ng pagkakaibigan ang panlabas na anyo?
A) Dahil mas sikat ang mabait
B) Dahil madaling magbago ang hitsura
C) Dahil mahirap makakita ng maganda
D) Dahil mahalaga ang panloob na ugali
  • 26. Nakita mong niloloko ng kaklase mo ang iyong matalik na kaibigan. Ano ang dapat mong gawin?
A) Sabihin sa kaibigan mo at tulungan siya
B) Magkunwaring walang nakita
C) Makisama sa nanloloko
D) Umalis na lang
  • 27. Kung hindi ka sang-ayon sa desisyon ng iyong kaibigan, ano ang pinakamahusay na paraan ng pagharap?
    A.
    B.
    C.
    D.
A) Hindi kausapin
B) Iwasan siya habang buhay
C) Ipahayag ang iyong saloobin ng maayos
D) Magalit kaagad
  • 28. Paano mo mapapanatili ang matibay na pagkakaibigan kahit may hindi pagkakaunawaan?
    A.
    B.
    C.
    D.
A) Mag-away nang harapan
B) Maghanap ng bagong kaibigan
C) Magtanim ng sama ng loob
D) Magpalamig muna at mag-usap
  • 29. Ang kaibigan mo ay nangutang pero hindi pa nababayaran. Ano ang pinaka-matinong hakbang?
    A.
    B.
    C.
    D.
A) Huwag kausapin
B) Kaunting paalala sa maayos na paraan
C) Kalimutan na lang
D) Siraan siya
  • 30. Sa isang grupo, paano mo maipapakita ang pagiging mabuting kaibigan?
    A.
    B.
    C.
    D.
A) Makinig at igalang ang opinyon ng iba
B) Magpaalala palagi ng mali nila
C) Laging ikaw ang masusunod
D) Magmataas sa kanila
  • 31. Kung ang kaibigan ay palaging nandiyan sa oras ng saya ngunit nawawala sa oras ng problema, ito ay _____.
A) Tunay na kaibigan
B) Mabuting tagapakinig
C) Kaibigang tapat
D) Kaibigang peke
  • 32. Alin sa mga sitwasyong ito ang nagpapakita ng tunay na pagkakaibigan?
A) Nagbubulungan laban sa isa
B) Nagbibigay ng payo kahit hindi kaaya-aya
C) Nagpapakita lang kapag kailangan
D) Magkasama lang sa kasiyahan
  • 33. Ang isang matalinong kaibigan ay _____.
A) Palaging nagbibiruan
B) Sumusunod sa gusto mo
C) Laging masaya
D) Marunong magsabi ng totoo sa mabuting paraan
  • 34. Kung ang kaibigan mo ay napapasama sa bisyo, ano ang pinakamainam na gawin?
A) Iwasan na lang siya
B) Kausapin nang maayos at hikayatin sa mabuting paraan
C) Sumama na rin
D) Sabihan ng masama
  • 35. Bakit mahalaga ang respeto sa pagkakaibigan?
A) Para hindi mag-away
B) Para mapanatili ang tiwala at pagkakaunawaan
C) Upang masabing magkaibigan kayo
D) Para maging sikat
  • 36. Paano makakatulong ang pagkakaibigan sa paghubog ng pagkatao ng isang tao?
A) Masanay makipag-away
B) Matutong magtiwala at magmahal
C) Mas maging mapagmataas
D) Matutong manghusga
  • 37. Kung walang pagkakaibigan sa paaralan, ano ang maaaring mangyari?
A) Mas magiging masaya
B) Bababa ang kooperasyon at tiwala
C) Magiging tahimik ang lahat
D) Lahat ay magiging magkaaway
  • 38. Bakit hindi dapat isuko agad ang pagkakaibigan kapag may problema?
A) Dahil uso ang patawaran
B) Dahil sinusubok nito ang katatagan ng samahan
C) Dahil walang ibang kaibigan
D) Dahil madaling maayos ang lahat
  • 39. Ano ang pangunahing pagkakaiba ng tunay na kaibigan at kakilala lang?
A) Ang kakilala ay hindi mo ka-close
B) Ang kakilala ay mas masaya kasama
C) Ang tunay na kaibigan ay laging nagbibigay ng regalo
D) Ang tunay na kaibigan ay nandiyan sa hirap at ginhawa
  • 40. Ano ang dapat mong piliin kung may salungatan sa pagitan ng tama at ng kagustuhan ng kaibigan mo?
A) Iwasan ang usapan
B) Sumama na lang sa mali
C) Sundin ang kaibigan para hindi magtampo
D) Sundin ang tama kahit masaktan siya
  • 41. Si Liza ay palaging nandiyan sa tuwing may problema ang kanyang kaibigan. Ano ang ipinapakita niya?
A) Panlalamig
B) Pagmamataas
C) Pagpapanggap
D) Katapatan at malasakit
  • 42. Si Marco ay palaging nang-aasar sa kanyang kaibigan kapag may pagkakamali ito. Ano ang hindi niya naipapakita?
A) Katapangan
B) Paggalang
C) Kabaitan
D) Katapatan
  • 43. Ang kaibigan mong matagal mong hindi nakausap ay lumapit sa’yo para humingi ng tawad. Ano ang mabuting gawin?
A) Isumbat ang nakaraan
B) Pakinggan at patawarin kung taos-puso
C) Umiwas
D) Hindi pansinin
  • 44. Si Ana ay tumulong sa kaklase niyang hindi niya ka-close. Ano ang ipinapakita nito?
A) Tunay na malasakit at kabutihan
B) Pagpapanggap
C) Pakikisama lang
D) Pag-utos ng iba
  • 45. Si Ben ay laging nagbabahagi ng pagkain sa kanyang mga kaibigan. Ano ang katangian niyang ipinapakita?
A) Pagiging mapagbigay
B) Pagmamalaki
C) Pagpapanggap
D) Pagiging sakim
  • 46. Ang pagkakaibigan ay hindi lamang tungkol sa saya kundi sa pagtutulungan. Bakit mahalaga ito?
A) Para lumalim ang samahan at tiwala
B) Para hindi ka mabagot
C) Para may kasama ka lagi
D) Para maging sikat
  • 47. Kapag may hindi pagkakaunawaan sa grupo ng magkakaibigan, ano ang pinaka-epektibong paraan upang maayos ito?
A) Maghiwalay agad
B) Mag-usap nang maayos at pakinggan ang isa’t isa
C) Magkasamaan ng loob
D) Mag-away muna
  • 48. Ano ang masasabing susi sa pangmatagalang pagkakaibigan?
A) Laging pagkakasundo
B) Pagbibigay ng regalo
C) Paggalang at pagtitiwala
D) Laging masaya
  • 49. Kung ikaw ay nasaktan ng kaibigan, ngunit humingi siya ng tawad nang taos-puso, ano ang pinakamainam?
A) Patawarin at pag-usapan nang maayos
B) Hindi na kausapin
C) Gantihan
D) Kalimutan na lang siya
  • 50. Ang pagkakaibigan ay isang uri ng ugnayang may _____.
    .
A) Sekreto at inggitan
B) Pagkukunwari
C) Tiwala, respeto, at katapatan
D) Panlilinlang
Created with That Quiz — the site for test creation and grading in math and other subjects.