ThatQuiz Test Library Take this test now
1st QuarterExam_Doguitom_ESP_GRADE 8
Contributed by: Doguitom
  • 1. Isang organisadong sistema ng ugnayan ng tao sa lipunan.
A) Pamilya
B) Ekonomiks
C) Rehiyon
D) Institusyon
  • 2. Ang maliit at pangunahing yunit ng lipunan
A) Institusyon
B) Pamilya
C) Ekonomiks
D) Pamilya
  • 3. Ang paniniwala ng isang tao at kanilang sinasamba ang kanilang pinaniniwalaang Diyos.
A) Ekonomiks
B) Relihiyon
C) Institusyon
D) Pamilya
  • 4. Ang kalipunan ng mga gawain ng tao, konstitusyon, pamayanan at institusyon na may kaugnayan sa paglikha, pamamahagi, palitan at pagkunsumo.
A) Rehiyon
B) Institusyon
C) Ekonomiya
D) Pamilya
  • 5. Ang sistema ng pag-iipon ng kaalaman tungkol sa iba’t-ibang bagay na inaasahang makakabuti sa pagkatao.
A) Buhay
B) Lipunan
C) Tatay
D) Paaralan
  • 6. Ang sitwasyon natin ngayon na humingi at dapat araw-araw tayong magpasalamat sa Panginoon sa bawat oras o minuto na tayo'y binigyan niya ng pagkakataong mabuhay ulit
A) Tatay
B) Lipunan
C) Buhay
D) Paaralan
  • 7. Isang grupo ng mga tao o mamamayan na binibigyan ng katangian o paglalarawan sa mga huwaran ng mga pagkakaugnay ng bawat indibidwal na binabahagi ang ibat-ibang kultura at mga institusyon
A) Lipunan
B) Paaralan
C) Tatay
D) Buhay
  • 8. Ang haligi ng tahanan na siyang pumuprotekta sa pamilya at ang gumagawa ng mabibigat na gawain
A) Nanay
B) Tahanan
C) Tatay
D) Paaralan
  • 9. Ang ilaw ng tahanan at laging gumagabay sa kaniyang mga anak.
A) Paaralan
B) Tahanan
C) Nanay
D) Tatay
  • 10. Nangangahulugan ng ipinatutupad na mga kautusan sa isang bayan o lugar na ang layunin ay para sa ikabubuti at ikatatahimik ng isang lugar o bayan.
A) Batas
B) Nanay
C) Tatay
D) Kasal
  • 11. Ang karapatan para sa ______________ng mga bata ay orihinal at pangunahing karapatan.
A) Kalusugan
B) buhay
C) pagkain at tahanan
D) edukasyon
  • 12. Bahagi ng buhay ng isang lalaki at babae na nagpasiyang magpakasal ang magkaroon ng mga anak. Ito ay __________________.
A) Susubok sa kanilang kakayahan na ipakita ang kanilang pananagutan bilang magulang
B) Makapagpapatatag sa ugnayan ng mag-asawa
C) Bunga ng kanilang pagtugon sa tawag ng Diyos na magmahal.
D) Pagtugon sa kagustuhan ng Diyos na maparami ang tao sa mundo.
  • 13. Ang sumusunod ay nagpapakita ng tunay na pagiging mapanagutan ng magulang maliban sa:
A) Pag-agapay sa mga anak sa lahat ng pagkakataon lalo na sa panahon ng mga hamon upang ang mga ito ay matagumpay na malampasan.
B) Malayang pagganap sa kanilang mga tungkulin kakambal ang pagtanggap sa anumang kahihinatnan ng kanilang mga pagganap at hindi pagganap sa mga ito.
C) Pagkakaroon ng pananagutan sa Diyos, sa kanilang konsensya at sa lahat ng mga taong ibinigay sa kanila ng Diyos upang paglingkuran at alagaan
D) Pagharap sa anumang hamon sa lahat ng pagkakataon na ginagabayan ng prinsipyong moral
  • 14. Sino sa sumusunod na magulang ang tunay na gumaganap ng kanilang tungkulin sa kanilang anak?
A) Si Leonardo at Rose na nagpaplano at nagpapasiya para sa katiyakan ng magandang buhay para sa kanilang mga anak.
B) Sina Edith at Jojo na pinag-aaralan ang kanilang mga anak sa mamahaling unibersidad upang matiyak ang magandang buhay para sa kanilang hinaharap
C) Sina Anita at Melduard na parehong nagsasakripisyo na magtrabaho sa ibang bansa upang matugunan ang mga pangangailangan ng kanilang mga anak, tinitiis ang hirap ng kalooban dahil malayo sila sa kanilang pamilya.
D) Si Mario at Andrea na namumuhay nang simple kasama ang mga anak, katuwang ng mga ito sa kanilang mga gawain, pangangailangan, at gumagabay sa kanila sa mundong kanilang ginagalawan lalo na sa hinaharap.
  • 15. Bakit itinuturing na una at pangunahing guro ng mga anak ang mga magulang?
A) Dahil sa kanila nakasalalay ang pundasyon ng mga bata sa kaalaman kanilang makukuha sa paaralan
B) Dahil ang kanilang mga ipinakikitang kilos at gawi ang tutularan ng mga bata.
C) Dahil sila ang magsasanay sa mga bata sa pagmamahal sa pag-aaral at kaalaman.
D) Dahil kasabay ng pagkakaroon ng karapatan ng mga bata sa edukasyon ang pagkakaroon ng karapatan ng magulang na sila ay turuan
  • 16. Bakit mahalagang maturuan ang mga anak na mamuhay nang simple?
A) Upang masanay sila na maging masaya at kuntento sa mga munting biyaya.
B) Upang hindi sila lumaking hindi marunong magpahalaga sa perang kanilang pinaghirapan.
C) Upang maisapuso ng mga anak na mas mahalaga ang tao sa kung ano siya at hindi sa kung ano ang mayroon siya.
D) Upang maisabuhay nila ang pagiging mapagkumbaba.
  • 17. Ang pagtuturo ng simpleng pamumuhay sa mga anak ay maaaring magbunga ng sumusunod na pagpapahalaga maliban sa:
A) Pagtanggap
B) Pagtitimpi
C) Katarungan
D) Pagmamahal
  • 18. Ang sumusunod ay makakatulong sa isang bata upang matuto ng mabuting pagpapasiya maliban sa:
A) Pagtuturo ng magulang ng mga pagpapahalaga
B) Patataglay ng karunungan
C) Pagkakaroon ng ganap na kalayaan
D) Pagtitiwala
  • 19. Ang sumusunod ay mga paraan upang mahubog sa mga anak ang pagpapahalaga sa mga gawaing ispiritwal maliban sa:
A) Iparanas ang tunay na mensahe ng mga aral ng pananampalataya
B) Ituon ang pansin sa ganap na paunawa sa nilalaman ng mga aklat tungkol sa pananampalataya.
C) Maglaan ng tiyak na panahon upang makinig at matuto sa mga aral ng pananampalataya
D) Ilagay ang Diyos sa sentro ng pamilya
  • 20. Sa paanong paraan magagawang possible ang pagsasakatuparan ng mga misyonng pamilya?
A) Pagtiyak na malinaw sa mga anak ang hirap sa pagharap sa hamon at pagtulong ng mga ito upang ito ay maisakatuparan.
B) Pagsasagawa nito nang may pagmamahal at malalim na pananampalataya.
C) Pagtiyak ng pagsasagawa ng mga ito nang kolektibo at may bahagi ang lahat ng kasapi ng pamilya.
D) Paghingi ng tulong sa ibang mga magulang na may mas malalim na karanasan.
  • 21. Ano ang isa sa pangunahing papel ng pamilya sa edukasyon ng bata?
A) Magturo ng disiplina sa labas ng tahanan
B) Magturo ng mahahalagang aral sa buhay
C) Magpakilala ng maraming kaibigan
D) Magbigay ng pera araw-araw
  • 22. Kapag tinuturuan ka ng iyong magulang kung paano gumawa ng tamang desisyon, anong papel ang ginagampanan nila?
A) Kaibigan
B) Tagapagtanggol
C) Tagapagmasid
D) Tagagabay
  • 23. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng paghubog sa pananampalataya ng anak?
A) Pagbibigay ng regalo kapag may okasyon
B) Pagpapaalala sa anak na mag-aral
C) Pagsama sa anak sa pagsisimba tuwing Linggo
D) Pagsama sa anak sa panonood ng sine
  • 24. Ano ang dapat gawin ng bata upang makatulong sa paghubog ng kanyang pananampalataya?
A) Manood ng TV tuwing gabi
B) Umiwas sa pagdarasal
C) Makinig sa mga payo ng barkada
D) Sumama sa gawaing panrelihiyon ng pamilya
  • 25. Anong gawi ang nagpapakita ng paggabay sa pagpapasya?
A) Hinahayaan ang anak na laging sumunod sa barkada
B) Pinipilit ang anak sa gusto ng magulang
C) Pinapaliwanag ang mabuti at masamang epekto ng pagpili
D) Iniiwan ang anak na magdesisyon mag-isa
  • 26. Paano ipinapakita ng mga magulang ang pagbibigay ng edukasyon sa tahanan?
A) Pagpapabaya sa pag-aaral
B) Pagsigaw kapag may maling nagawa
C) Pagtuturo ng tamang asal at wastong kilos
D) Pagpapa-trabaho agad sa anak
  • 27. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng paghubog ng pananampalataya sa tahanan?
A) Panonood ng cartoons
B) Paglalaro tuwing gabi
C) Paggamit ng cellphone sa mesa
D) Pagdarasal bago kumain
  • 28. Bakit mahalaga ang paggabay ng pamilya sa mga desisyon ng anak?
A) Para hindi sila mangarap ng mataas
B) Upang maiwasan ang pagkakamali sa buhay
C) Para hindi sila magtanong sa iba
D) Para sila ay maging magulang agad
  • 29. Aling kilos ang HINDI nagpapakita ng pagtuturo ng tamang edukasyon sa tahanan?
A) Pagpapabaya sa takdang-aralin
B) Pagsagot ng module ng may tulong
C) Pagbabasa ng aklat kasama ang magulang
D) Pagpapayo sa anak tungkol sa buhay
  • 30. Ano ang maaaring maging epekto ng maayos na paggabay ng pamilya?
A) Pagiging mapusok
B) Pagiging mapagkumbaba at responsable
C) Pagiging pala-asa
D) Pagiging mahiyain
  • 31. Alin sa mga sumusunod ang magandang gawin ng isang anak bilang pasasalamat sa paggabay ng pamilya?
A) Magsinungaling upang mapasaya ang magulang
B) Ipagwalang-bahala ang payo ng magulang
C) Lumayo sa pamilya
D) Sumunod sa utos ng magulang ng may respeto
  • 32. Ano ang ibig sabihin ng pananampalataya?
A) Pagkakaroon ng maraming laruan
B) Paniniwala at pagtitiwala sa Diyos
C) Pagsunod sa lahat ng kaibigan
D) Pag-aaral ng agham
  • 33. Anong gawi sa tahanan ang nagtuturo ng disiplina?
A) Pag-alis nang walang paalam
B) Walang oras sa pagkain
C) Pagpuyat sa computer games
D) Pagkakaroon ng takdang oras sa pag-aaral at paglalaro
  • 34. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagsuporta ng pamilya sa edukasyon?
A) Pagbibigay ng mga bagay na walang kabuluhan
B) Paglalaan ng oras upang turuan ang anak
C) Pagpapabaya sa klase
D) Pagbili ng cellphone para maglaro
  • 35. Anong gawi sa pamilya ang nagpapakita ng sama-samang pananampalataya?
A) Pagkakanya-kanya sa panonood ng TV
B) Pag-iwas sa simbahan
C) Pagdarasal tuwing gabi nang magkakasama
D) Pag-aaway habang kumakain
  • 36. Ano ang ibig sabihin ng komunikasyon sa loob ng pamilya?
A) Pag-iwas sa mga usapin
B) Lihim na pakikipag-usap sa ibang tao
C) Panonood ng TV nang tahimik
D) Pagpapalitan ng kuro-kuro at damdamin sa pagitan ng mga kasapi ng pamilya
  • 37. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng bukas na komunikasyon sa pamilya?
A) Laging nag-aaway kapag may hindi pagkakaunawaan
B) Laging may sigawan kapag may problema
C) Hindi nagsasalita ang mga anak sa hapag-kainan
D) Nakikinig sa opinyon ng bawat isa
  • 38. Anong uri ng komunikasyon ang umiiral kapag ang mga miyembro ng pamilya ay takot magsabi ng kanilang saloobin?
A) Saradong komunikasyon
B) Masayang komunikasyon
C) Bukas na komunikasyon
D) Walang komunikasyon
  • 39. Kapag ang ama ay laging sumisigaw at hindi nakikinig sa anak, anong uri ng komunikasyon ang ipinapakita?
A) Sarado
B) Demokratiko
C) Bukas
D) Masaya
  • 40. Alin sa mga sumusunod ang magandang epekto ng bukas na komunikasyon sa pamilya?
A) Laging may hindi pagkakaintindihan
B) Lumalayo ang loob ng anak sa magulang
C) Natatakot ang anak magsabi ng problema
D) Nagiging malapit ang bawat isa
  • 41. Alin sa mga sumusunod ang HINDI magandang gawi sa komunikasyon ng pamilya?
A) Pagdadabog habang kausap ang magulang
B) Pakikinig habang may nagsasalita
C) Pagtanong kung kamusta ang araw ng isa’t isa
D) Pagpapahayag ng saloobin sa maayos na paraan
  • 42. Anong komunikasyon ang umiiral kung lahat ng miyembro ng pamilya ay may karapatang magsalita at marinig?
A) Tahimik na komunikasyon
B) Pormal na komunikasyon
C) Bukas na komunikasyon
D) Saradong komunikasyon
  • 43. Sa isang palabas sa TV, ipinakita ang magulang na laging bukas sa pakikinig sa anak. Ano ang dapat mong puna rito?
A) Mahina ang magulang
B) Tahimik lang dapat ang magulang
C) Hindi marunong magdesisyon ang magulang
D) Magaling ang magulang dahil marunong makinig
  • 44. Kapag may problema sa pamilya, ano ang dapat gawin upang masolusyonan ito?
A) Iwasan ang pag-uusap
B) Magtalo agad upang makuha ang gusto
C) Mag-usap nang mahinahon at may respeto
D) Manahimik na lang
  • 45. Paano mo mapapansin na may bukas na komunikasyon sa isang pamilya?
A) Puro sigawan at sumbatan
B) Walang kibuan kahit magkakasama
C) May respeto sa pagsasalita at pakikinig
D) Laging mainit ang ulo ng isa sa miyembro
  • 46. Ano ang pangunahing tungkulin ng isang anak sa kanyang pamilya?
A) Magtrabaho kaagad pagkatapos ng paaralan
B) Mamuno sa komunidad
C) Maglakbay sa ibang bansa
D) Sumunod at magpakita ng respeto sa magulang
  • 47. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng responsibilidad sa lipunan?
A) Pagtulong sa nangangailangan
B) Paglilinis ng sariling silid
C) Pagluluto ng pagkain sa bahay
D) Pag-aalaga sa kapatid
  • 48. Kung may kapitbahay na nangangailangan ng tulong sa panahon ng sakuna, ano ang nararapat na gawin?
A) Maghintay na lang ng tulong mula sa iba
B) Magkunwaring walang alam
C) Umalis upang umiwas sa abala
D) Magbigay ng tulong ayon sa kakayahan
  • 49. Bakit mahalagang gampanan ang ating mga tungkulin sa lipunan?
A) Upang mapanatili ang kaayusan at pagkakaisa
B) Upang magkaroon ng mas mataas na sahod
C) Upang makilala ng ibang tao
D) Upang hindi mapagalitan
  • 50. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng malasakit sa kapwa?
A) Pagtulong sa may kapansanan na makatawid sa kalsada
B) Pag-aalaga lamang sa sariling interes
C) Pag-iwas sa mga taong hindi kilala
D) Pagpapabaya sa tungkulin sa barangay
Created with That Quiz — the math test generation site with resources for other subject areas.