ThatQuiz Test Library Take this test now
2nd Quarter Exam Ap Doguitom Grade 9
Contributed by: Doguitom
  • 1. Ang____ ay tumutukoy sa bilang o dami ng produkto o serbisyo na kaya at handang bilihin sa ibat ibang lebel ng presyo.
A) Presyo
B) Demand
C) Bilihin
D) Suplay
  • 2. Isa ito sa dalawang salik ng demand ito ay pangunahing konsiderasyon sa pagbili.
A) Price factor
B) Non-price factor
C) Equilibrium factor
D) None of the above
  • 3. Kapag malaki na ang kinikita nga mga tao tumataas din ang kanilang kakayahang bumili.
A) Substitute goods
B) Income effect
C) Okasyon
D) Population
  • 4. Kung ang gamit sa pagluluto ni Juan ay gasol at ito ay nagtaas ang presyo at sya ay gumamit na lamang ng uling. Saan kabilang ang kanyang aksyon?
A) Substitute goods
B) Okasyon
C) Population
D) Income effect
  • 5. Ito ay tumutukoy sa panlasa ng mga mamimili.
A) Income
B) Preference
C) Okasyon
D) Population
  • 6. Tumataas ang demand sa kandila tuwing araw ng undas. Saan ito kabilang?
A) Population
B) Okasyon
C) Preference
D) Income
  • 7. Kapag marami ang mamimili, marami rin ang binibili. Saan ito kabilang?
A) Okasyon
B) Income
C) Population
D) Preference
  • 8. Anong salik na nakaapekto sa demand, Kung naaayon ang pandesal sa iyong pandama bilang pang-almusal, mas marami ang makakain mo nito kesa sa ensaymada?
A) presyo ng magkakaugnay na produkto
B) dami ng mamimili
C) panlasa
D) kita
  • 9. Si Mang Juan ay nakapasok ng trabaho sa isang malaking kompanya na mataas ang sahod, kaya niyang tustusan ang pangangailangan ng kanyang pamilya. Alin sa sumusunod nasalik ang nakaaapekto sa kanilang demand?
A) Kita
B) dami ng mamimili
C) inaasahan ng mga mamimili
D) panlasa
  • 10. Marami ang nahihikayat bumili ng isang produkto kapag marami ang tumatangkilik nito. Alin sa nasa ibaba ang patunay sa
    pangungusap na ito?
A) Nahihikayat ang mga mamimili kapag marami ang bumibili sa isangprodukto.
B) Maaari ding magpataas ng demand ang bandwagon effect.
C) Kapag uso ang isang uri ng produkto tataas ang demand nito dahil maramisa mga mamimili ang gustong makisabay sa uso.
D) Lahat ng nabanggit.
  • 11. Sa isang komunidad, ang mga mamimili ay nag-uunahang bumili ng mga producto dahil may paparating na bagyo. Alin salik ang nasa
    ibaba ang may higit na impuwensiya sa demand?
A) panlasa
B) presyo ng makagkakaugnay naprodukto
C) inaasahan ng mamimili sa presyo sa hinaharap
D) dami ng mamimili
  • 12. Ano ang gawain ng mga mamumuhunan ang nagdudulot ng artipisyal na kakulangan ng supply sa pamilihan?
A) shortage
B) bandwagon effect
C) Surplus
D) hoarding
  • 13. Ito ay tinatawag ring kakulangan sa produkto?
A) hoarding
B) bandwagon effect
C) surplus
D) shortage
  • 14. Ito ay tinatawag ring kalabisan sa produkto?
A) hoarding
B) shortage
C) surplus
D) bandwagon effect
  • 15. Tumutukoy ito sa bilang o dami ng nais at kayang ipagbili sa isang takdang panahon sa isang partikular na presyo.
A) Ekilibriyo
B) Demand
C) Suplay
D) Elastisidad
  • 16. Alin sa sumusunod ang tamang kahulugan ng supply?
A) Ito ay tumutukoy sa dami ng produkto at serbisyo na handang ipagbili ng prodyuser sa iba’t-ibang presyo.
B) Ito ay tumutukoy sa dami ng produkto at serbisyo na handa at kayangbilhin ngmammimil sa iba’t-ibang presyo sa isang takdang panahon.
C) Ito ay tumutukoy sa dami ng produkto at serbisyo na handa at kayang ipagbili ng prodyuser sa iba’t-ibang presyo sa isang takdang panahon
D) Ito ay tumutukoy sa dami ng produkto at serbisyo na handang bilhin ng mamimili sa iba’t-ibang presyo sa isang takdang panahon
  • 17. Ano ang mangyayari sa produksiyon ng supply at kalagayan nito sa pamilihan kung magpasyang gumamit ng makabagong makinarya ang prodyuser?
A) Magkakaroon ng unti-unting pagbaba sa supply.
B) Bababa ang supply sa pamilihan dahil sa gastusin sa produksiyon.
C) Tataas ang supply sa pamilihan at tataas rin ang presyo.
D) Bibilis ang produksiyon at darami ang ibebentang supply.
  • 18. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng direktang ugnayan ng presyo at supply?
A) Ang pagtaas ng presyo ay walang epekto sa dami ng supply ng produkto atserbisyo.
B) Kapag tumaas ang presyo, dadami rin ang supply ng produkto o serbisyong handa at kayang ibenta.
C) Kapag tumaas ang presyo, kokonti ang supply ng produkto o serbisyonghanda at kayang ibenta.
D) Kapag tumaas ang presyo, nananatili ang dami ng supply ng produkto atserbisyo.
  • 19. IBilang isang mag-aaral, alin sa mga sumusunod ang nararapat mong gawinkung tumaas ang presyo ng produkto?
A) Bilhin ang nararapat at hayaan na lamang ang mangyayari kinabukasan.
B) Maghanap ng paraan upang mabili ang kagustuhan.
C) Magtipid at bilhin ang nararapat na pangangailangan.
D) Bilhin ang nararapat at humingi na lamang kapag kulang na ang salapi.
  • 20. Sa pamumuhunan, ang isang matalinong negosyante ay may malawak na kaalaman sa pagpapatakbo ng negosyo. Alin sa mga sumusunod ang HINDI KABILANG sa mga katangian ng isang matalinong negosyante?
A) Mapagmasid sa galaw ng demand, supply at presyo sa pamilihan.
B) Mapanuri sa ginagawang produkto upang mapanatili ang kalidad nito.
C) May kakayahang umangkop sa mga makabagong paraan ng produksiyon.
D) Naglalagak ng puhunan sa mga produktong walang tiyak na demand.
  • 21. Inaasahang darami ang bibili ng mga produktong pasta para sa pasko. Ano angmangyayari sa supply ng pasta pagdating ng buwan ng Disyembre?
A) Mananatili ang dami ng supply dahil pansamantala lamang ang pagtaas ngkita ng mga tao.
B) Walang pagbabago sa supply dahil karaniwan lang naman na tumataas angkita ng mga tao.
C) Tataas ang supply sa buwan ng Disyembre dahil sa inaasahang pagdami ngbibili nito.
D) Bababa ang supply dahil inaasahan lamang at hindi tiyak na bibili ang mgatao.
  • 22. Ang presyo ng tinapay ay unti-unting bumababa ng tigtatlong piso kada araw mula sa P 25. Pagkatapos ng limang araw, ang presyo ng tinapay ay P 10. Ano ang epekto nito sa supply at sa mamimili?
A) Bababa ang suplay ng tinapay at bababa rin ang dami ng gustong bumilinito.
B) Bababa ang suplay ng tinapay pero darami ang gustong bumili nito.
C) Darami ang suplay ng tinapay at darami ang mamimili.
D) Darami ang suplay ng tinapay pero hindi mabebenta ang mga ito.
  • 23. Noong 2 lamang sina Abby at Celene sa bahay, kalahating kaban lang ng bigas ang binibili kada buwan. Nang lumuwas na mula sa probinsya ang kanilang mga magulang at kapaitd, isat kalahating kaban na ng bigas ang kanilang binibili. Ano ang salik ng demand ang mahihinuha sa sitwasyong ito?
A) Populasyon
B) Panlasa
C) Kita
D) Okasyon
  • 24. Dito sa ating bansa, malaki ang nagiging epekto ng__________ sa buong ekonomiya dahil nagiging sanhi ito ng mga sakunang dahilan bakit lumiliit ang produksyon.
A) Presyo
B) Panahon O klima
C) Populasyon
D) Ekspektasyon ng nagtitinda
  • 25. lagi konsiderasyon ng mga negosyante ang kanilang tubo kung sila ba ay makakatipid o hindi. Saang salik ng suplay ito kabilang?
A) Populasyon
B) Presyo
C) Panahon o klima
D) Gastos sa produksiyon
  • 26. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng wastong pahayag tungkol sa Batas ng Demand at Suplay?
A) ↑P , ↑Qd , ↓Qs
B) ↑P , ↓Qd , ↑Qs
C) ↓P , ↑Qd , ↑Qs
D) ↓P , ↓Qd , ↑Qs
  • 27. Ano ang tawag sa punto kung saan nag papantay ang demand at ang suplay sa isang partikular na presyo?
A) Pamilihan
B) Elastisidad
C) Interaksyon
D) Ekilibriyo
  • 28. Sa anong istraktura ng pamilihan na gaganap ang collusion o sabwatan?
A) Monopolyo
B) Ganap na kompetisyon
C) Monopolistikong Kompetisyon
D) Oligopolyo
  • 29. Sa Pilipinas ang mga produkto tulad ng shampoo, detergent, sabon at toothpaste ay kabilang sa anong istraktura ng pamilihan?
A) Ganap na kompetisyon
B) Monopolistikong Kompetisyon
C) Monopolyo
D) Oligopolyo
  • 30. Tumutukoy ito sa pamilihang iisa lang ang nagsusuplay ng produkto?
A) Monopolyo
B) Kompetisyon
C) Oligopolyo
D) Monopsonyo
  • 31. Ang pamilihang may iilang suplayer o tagapagprodyus lamang.
A) oligopolyo.
B) monopolistikong kompetisyon
C) perpektibong kompetisyon
D) monopolyo
  • 32. Ang kita ay
A) produktong hindi naiprodyus nang sapat sa malayang pamilihan at madalas na ipinagkakaloob ng pamahalaan
B) diperensya sa pagitan ng kabuuang benta at ng puhunan sa isang negosyo
C) satispaksyon na nakukuha ng mga konsyumer mula sa pagkonsumo nila ng mga produkto at serbisyo
D) pinakamataas na halaga na nais ibayad ng mga mamimili para sa partikular na dami ng produkto o serbisyo
  • 33. Kung mga identikal na produkto lamang ang ipinagbibili sa pamilihan, ang pamilihang nabanggit at isang
A) Monopolyo
B) monopolistikong kompetisyon
C) oligopolyo
D) perpektibong kompetisyon
  • 34. Istruktura ng pamilihan na inilalarawan ng kawalan ng kontrol sa presyo ng mga nagbebenta, maraming magkatulad ngunit pinag-ibang produkto dahil sa tatak, at malayang nakapapasok o nakalalabas ang mga nagbebenta sa industriya.
A) perpektibong kompetisyon
B) monopolyo
C) monopolistikong kompetisyon
D) oligopolyo
  • 35. Ang katumbas ng oligopsonyo ay ang
A) monolopistikong kompetisyon
B) Monopolyo
C) perpektibong kompetisyon
D) oligopolyo
  • 36. Ang mga kalahok sa isang pamilihang may perpektong kompetisyon ay gumagamit ng advertising o pag-aanunsyo bilang istratehiya ng pagbebenta. May impluwensiya ba ang pag-aanunsyo sa epektibong pagbebenta?
A) Wala dahil sa identikal ang mga produkto sa ganitong uri ng pamilihan
B) Mayroon dahil sa identikal ang mga produkto sa ganitong uri ng pamilihan
C) Wala dahil sa pinag-iba ang mga produkto sa ganitong uri ng pamilihan
D) Mayroon dahil sa pinag-iba ang mga produkto sa ganitong uri ng pamilihan
  • 37. Ang istruktura ng pamilihan ay ibinabatay sa
A) Pag-aanunsyo o hindi pag-aanunsyo ng produkto
B) A at B
C) Dami at digri ng kontrol ng bawat indibidwal na kalahok sa pamilihan
D) Wala sa pagpipilian ang sagot
  • 38. Ang Shell, Petron, at Caltex ay mga kalahok sa pamilihang.
A) oligopolyo
B) monopolyo
C) monopolistikong kompetisyon
D) perpektong kompetisyon
  • 39. Ang pamilihang may kartel ay katangian ng isang
A) monopolyo
B) monopolistikong kompetisyon
C) perpektong kompetisyon
D) oligopolyo.
  • 40. Ang pagbebenta ng kuryente ng MERALCO lamang ay halimbawa ng isang
A) monopolyo
B) monopolistikong kompetisyon
C) perpektong kompetisyon
D) Oligopolyo
  • 41. Alin sa mga sumusunod ang salik na nakaaapekto sa suplay kapag bumaba ang presyo ng hilaw na materyales?
A) Gastos sa Produksyon
B) Teknolohiya
C) Ekspektasyon ng Presyo
D) Dami ng Mamimili
  • 42. Paano naaapektuhan ng teknolohiya ang suplay?
A) Walang epekto ang teknolohiya sa suplay
B) Bumababa ang suplay kapag mas makabago ang teknolohiya
C) Tumataas ang presyo ng produkto
D) Tumataas ang suplay kapag may makabagong teknolohiya
  • 43. Kung inaasahan ng mga prodyuser na tataas ang presyo ng produkto sa hinaharap, ano ang kanilang magiging reaksyon?
A) Dadagdagan ang suplay ngayon
B) Iipunin ang produkto para ibenta sa mas mataas na presyo
C) Ibababa ang produksiyon ngayon
D) Ititigil ang produksiyon
  • 44. Kung inaasahan ng mga prodyuser na tataas ang presyo ng produkto sa hinaharap, ano ang kanilang magiging reaksyon?
A) Ititigil ang produksiyon
B) Dadagdagan ang suplay ngayon
C) Ibababa ang produksiyon ngayon
D) Iipunin ang produkto para ibenta sa mas mataas na presyo
  • 45. Ang pagbabago sa klima o panahon ay isang halimbawa ng aling salik ng suplay?
A) Bilang ng Nagbebenta
B) Ekspektasyon
C) Teknolohiya
D) Kalagayang Panahon
  • 46. Alin sa mga sumusunod ang maaaring magdulot ng pagtaas ng suplay?
A) Pagbaba ng subsidiya
B) Pagtaas ng gastos sa produksyon
C) Pagtaas ng buwis
D) Pag-unlad ng teknolohiya
  • 47. Ano ang ibig sabihin kapag tumaas ang bilang ng nagtitinda sa isang pamilihan?
A) Tumataas ang suplay
B) Tumataas ang presyo
C) Walang epekto
D) Bumababa ang suplay
  • 48. Kapag nagbigay ang gobyerno ng subsidiya sa mga prodyuser, ano ang epekto nito sa suplay?
A) Bumaba ang suplay
B) Walang pagbabago
C) Itinigil ang produksiyon
D) Tumaas ang suplay
  • 49. Paano nakaaapekto ang presyo ng ibang produkto sa suplay ng isang produkto?
A) Hindi ito nakaaapekto
B) Mas pinipili ng prodyuser ang mas kumikitang produkto
C) Tumataas ang dami ng produkto
D) Bumababa ang presyo ng lahat ng produkto
  • 50. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga salik na nakaaapekto sa suplay?
A) Gastos sa Produksyon
B) Kalagayang Panahon
C) Ekspektasyon ng Mamimili
D) Teknolohiya
Created with That Quiz — a math test site for students of all grade levels.