ThatQuiz Test Library Take this test now
1st_quarter_AP10_ mondarte QT
Contributed by: Mondarte
  • 1. Ano ang pangunahing hamon na kinakaharap ng mga mamamayan pagdating sa “food security” sa bansa?
A) Mura ang presyo ng pagkain sa lahat ng pamilihan
B) Lahat ay may akses sa masustansiyang pagkain
C) Laging sobra ang produksyon ng pagkain
D) Hindi pantay ang distribusyon ng pagkain sa mga rehiyon
  • 2. Ano ang tawag sa matinding pag-init ng panahon na dulot ng pagbabago ng klima?
A) Bagyo
B) El Niño
C) La Niña
D) Daluyong
  • 3. Ang isyu ng “fake news” sa social media ay nagdudulot ng:
A) Pagkalito at maling paniniwala ng tao
B) Pagiging mas masaya ng mamamayan
C) Pagkakaroon ng tamang impormasyon agad
D) Pagdami ng trabaho sa mga kabataan
  • 4. Ano ang pangunahing dahilan kung bakit maraming Pilipino ang nangingibang-bansa upang magtrabaho?
A) Dahil mas madali ang trabaho sa ibang bansa
B) Dahil ipinagbabawal ng pamahalaan ang trabaho sa Pilipinas
C) Dahil mas mataas ang sahod at benepisyo sa ibang bansa
D) Dahil walang oportunidad para sa negosyo sa Pilipinas
  • 5. Paano nakakaapekto ang malawakang disinformation o fake news sa eleksyon sa bansa?
A) Nagbibigay ito ng mas malinaw na impormasyon sa mga botante
B) Nagpapalakas ito ng ekonomiya ng bansa
C) Nagpapabilis ito ng proseso ng pagbibilang ng boto
D) Nagdudulot ito ng kalituhan at maling batayan sa pagboto
  • 6. Bakit mahalagang maging mulat ang mamamayan sa mga kontemporaryong isyu?
A) Upang hindi makilahok sa mga gawain ng gobyerno
B) Upang magtago sa mga suliranin ng lipunan
C) Upang magkaroon ng tamang desisyon at pakikilahok sa lipunan
D) Upang makaiwas sa anumang balita
  • 7. Ang isang pamilya ay nananatili pa rin sa kanilang bahay kahit na may babala ng paglikas mula sa lokal na pamahalaan dahil sa banta ng landslide.
    Ano ang pinakamainam na hatol sa kanilang desisyon?
A) Mali ang desisyon dahil mas pinahahalagahan nila ang ari-arian kaysa kaligtasan
B) Tama lang ang ginawa nila kung walang nag-utos na opisyal mula sa barangay
C) Wasto ang desisyon kung naniniwala silang hindi sila apektado ng landslide
D) Tama ang ginawa nila dahil mas ligtas sa bahay kaysa sa evacuation center
  • 8. Kung ikaw ay lider ng inyong barangay, anong plano ang pinakamainam na gawin upang matiyak ang kahandaan ng komunidad bago dumating ang bagyo?
A) Magbigay ng libreng pagkain kahit walang banta ng kalamidad
B) Magpatupad ng curfew sa oras ng bagyo
C) Mag-organisa ng buwanang clean-up drive
D) Gumawa ng disaster preparedness plan at magdaos ng evacuation drill
  • 9. Ano ang ibig sabihin ng pagsasagawa ng earthquake drill sa paaralan?
A) Isang paraan ng pagpapakita ng disiplina ng mga estudyante
B) Isang tradisyon ng mga guro tuwing pasukan
C) Isang aktibidad para hindi mabagot ang mga mag-aaral
D) Isang paghahanda upang malaman ang tamang gagawin sa oras ng lindol
  • 10. Habang ikaw ay nasa bahay, biglang nagkaroon ng babala ng malakas na lindol. Ano ang dapat mong gawin upang mailapat ang natutunan mo sa earthquake drill?
A) Tumakbo palabas kahit malakas ang pagyanig
B) Magtago sa ilalim ng matibay na mesa at takpan ang ulo
C) Dumungaw sa bintana upang makita ang kalsada
D) Mag-selfie habang naglilindol
  • 11. Kung may malakas na lindol at may mga nasugatan, aling ahensiya ng pamahalaan ang dapat mong tawagan upang mailapat ang wastong tulong medikal?
A) DepEd
B) DOH
C) DTI
D) PAGASA
  • 12. Habang may paparating na bagyo, saan mo mailalapat ang tamang gawain kung nais mong makuha ang pinakabagong impormasyon tungkol sa lagay ng panahon?
A) DSWD
B) PAGASA
C) PNP
D) DepEd
  • 13. Sa gitna ng kalamidad, nag-utos ang lokal na pamahalaan ng maagang paglikas. Ano ang wastong paraan ng paglalapat ng disiplina?
A) Hintayin muna ang kapitbahay bago lumikas
B) Sumunod agad sa abiso ng pamahalaan para sa kaligtasan ng pamilya
C) Lumikas lamang kapag nandiyan na ang mga rescuer
D) Manatili sa bahay kahit may utos na lumikas
  • 14. Bilang estudyante, paano mo mailalapat ang disiplina at kooperasyon sa paaralan kapag nagsasagawa ng earthquake drill?
A) Tumakbo nang mabilis para mauna sa labas
B) Umalis sa drill nang walang pahintulot
C) Sundin ang guro at lumabas nang maayos gamit ang tamang exit route
D) Tumawa at maglaro habang nagsasagawa ng drill
  • 15. (Politikal)
    Bakit mahalaga ang mga batas at polisiya ng pamahalaan laban sa climate change?
A) Upang makilala ang bansa sa international community
B) Upang magkaroon ng dagdag na buwis ang bansa
C) Upang mapangalagaan ang kalikasan at kaligtasan ng mamamayan
D) Upang makontrol ang negosyo ng mga malalaking kumpanya
  • 16. (Pang-ekonomiya)

    Ano ang ibig sabihin ng epekto ng climate change sa ekonomiya ng bansa?
A) Dumadami ang oportunidad sa turismo
B) Lumalakas ang palitan ng piso sa dolyar
C) Bumibilis ang pagdami ng trabaho
D) Nagkakaroon ng pinsala sa agrikultura at kabuhayan ng mga tao
  • 17. Kung ikaw ay isang kabataan na nais makibahagi sa National Greening Program (NGP) ng pamahalaan, ano ang pinakamainam na paraan ng paglalapat ng iyong kaalaman?
A) Maghintay na lamang na matapos ang programa
B) Manood lamang ng balita tungkol sa programa
C) Mag-post sa social media ng larawan ng kagubatan
D) Magtanim ng puno at makilahok sa tree planting activities ng barangay
  • 18. Ipinatupad ng pamahalaan ang Ecological Solid Waste Management Act (RA 9003) upang mabawasan ang basura. Paano mo huhusgahan ang kahalagahan ng batas na ito?
A) Magagamit lamang ito sa mga malalaking lungsod
B) Hindi ito mahalaga dahil dagdag trabaho lamang sa mga mamamayan
C) Mahalaga ito dahil nakatutulong itong mabawasan ang polusyon at epekto ng climate change
D) Wala itong epekto dahil hindi lahat ng tao ay sumusunod
  • 19. (Kabuhayan)

    Kapag naapektuhan ng matinding tagtuyot ang agrikultura, ano ang kaugnay na epekto nito sa ekonomiya ng bansa?
A) Pagdami ng murang produkto sa palengke
B) Pagtaas ng presyo ng pagkain at pagkalugi ng mga magsasaka
C) Pagbaba ng demand para sa mga imported goods
D) Pagiging masagana ng ani ng palay at mais
  • 20. (Lipunan)

    Matinding bagyo at pagbaha ang nagiging sanhi ng sapilitang paglilikas ng libo-libong pamilya. Ano ang pinakamainam na hatol sa epekto nito?
A) Maganda dahil lumalakas ang kooperasyon ng komunidad
B) Nakabubuti dahil natututo ang mga tao sa pamumuhay sa ibang lugar
C) Walang epekto dahil normal na kalamidad lamang ito
D) Mapanganib dahil nakakaapekto ito sa edukasyon, kalusugan, at seguridad ng mga mamamayan
  • 21. Ano ang naidudulot Elniño at laniña sa bansa?
A) Ito ay nakapagdudulot ng matagal na tag-init at tag-ulan kung saan higit na naaapetohan nito ng mga magsasaka
B) Nakapagbibigay ito ng mataas na kita sa bansa para mapaulad ang batas
C) Ito ay nagdudulot ng matinding tag-init at taggutom
D) Ito ay nakapagdudulot ng kasaganahan gaya ng masaganang ani
  • 22. Ang polusyon sa hangin sa pamayanan ay karaniwang dulot ng:
A) Paggamit ng solar panel
B) Pagtatanim ng gulay sa bakuran
C) Usok mula sa sasakyan at pagsusunog ng basura
D) Utot na nanggaling sa mga mamamayan
  • 23. Kung may polisiya ang pamahalaan laban sa pagpuputol ng puno nang walang permit, paano ito dapat isabuhay ng mga mamamayan?
A) Hintayin na lang na maubos ang mga puno bago kumilos
B) Iulat sa barangay ang mga ilegal na pagpuputol at sumuporta sa tree planting activities
C) Ipagsawalang-bahala ang mga lumalabag
D) Putulin ang puno kung ito ay nakakasagabal sa bakuran
  • 24. Naglatag ng ordinansa ang pamahalaan tungkol sa pagsusunog ng basura. Ano ang pinakamainam na aksyon upang maisabuhay ito?
A) Sumunod sa ordinansa at maghanap ng alternatibong paraan gaya ng recycling o composting
B) Maghanap ng lugar na malayo para doon magsunog
C) Itapon na lang lahat ng basura sa ilog
D) Patuloy na magsunog ng basura para mabilis maubos
  • 25. Kung ikukumpara ang epekto ng maling pagtatapon ng basura at ilegal na pagpuputol ng puno sa isang case study, alin ang pinakamalinaw na pagkakaiba ng epekto nito?
A) Pareho lamang ang epekto ng basura at pagputol ng puno
B) Walang kinalaman ang dalawang suliranin sa kalikasan
C) Ang basura ay nakapagpapaganda ng paligid, samantalang ang puno ay walang epekto
D) Ang basura ay nagdudulot ng pagbaha, samantalang ang pagputol ng puno ay nagdudulot ng pagguho ng lupa
  • 26. Kung sa case study ay lumabas na sanhi ng polusyon sa pamayanan ang sobrang paggamit ng plastik, alin ang pinakamabisang evaluasyon sa posibleng solusyon?
A) Gumamit ng ecobag kasabay ng paggamit ng plastik upang mabawasan ang paggamit ng plastik
B) Dagdagan pa ang produksyon ng plastik dahil mura ito
C) Ipatupad ang "no plastic policy" at hikayatin ang paggamit ng reusable bags
D) Itigil ang pagbebenta ng lahat ng produkto sa pamilihan
  • 27. Kapag ang isang magsasaka ay nawawalan ng trabaho tuwing tag-ulan at wala siyang alternatibong mapagkakakitaan, anong dahilan ng unemployment ang makikita rito?
A) Structural unemployment
B) Frictional unemployment
C) Cyclical unemployment
D) Seasonal unemployment
  • 28. Sa panahon ng krisis pang-ekonomiya, maraming negosyo ang nagsasara at maraming manggagawa ang nawawalan ng trabaho. Anong pangunahing dahilan ng unemployment ang ipinapakita nito?
A) Structural unemployment
B) Cyclical unemployment
C) Frictional unemployment
D) Seasonal unemployment
  • 29. Kapag maraming walang trabaho, bumababa ang produksyon ng mga produkto at serbisyo sa bansa. Ano ang implikasyon nito sa ekonomiya?
A) Bumibilis ang pag-unlad ng ekonomiya
B) Dumami ang mga oportunidad sa kalakalan
C) Bumagal ang pag-unlad ng ekonomiya
D) Lumakas ang pamumuhunan ng mga dayuhan
  • 30. Bakit nagiging hadlang ang unemployment sa pag-unlad ng ekonomiya?
A) Dahil mas maraming pera ang umiikot sa ekonomiya
B) Dahil lumalakas ang produktibidad ng mga manggagawa
C) Dahil tumataas ang pamumuhunan sa industriya
D) Dahil bumababa ang kita ng gobyerno mula sa buwis
  • 31. Kung susuriin, bakit masasabing mas epektibo ang kombinasyon ng edukasyon + skills training + entrepreneurship programs kaysa sa isa lamang sa kanila?
A) Dahil mas mabilis itong gawin kaysa sa subsidy
B) Dahil mas mura ito kaysa sa ibang programa
C) Dahil lahat ay nakabatay lamang sa pamahalaan
D) Dahil pinagsasama nito ang kaalaman, kasanayan, at oportunidad sa negosyo para makalikha ng mas maraming trabaho
  • 32. Kung ikaw ay policymaker, alin sa mga mungkahi ang mas nararapat bigyang-prayoridad upang agad bumaba ang unemployment rate?
A) Paglulunsad ng job fairs at online job matching
B) Pagpapataw ng mas mataas na buwis
C) Pagpapalakas ng agrikultura
D) Pagbibigay ng ayuda sa mga walang trabaho
  • 33. Kung ikaw ay bubuo ng komprehensibong plano laban sa unemployment, alin ang pinaka-angkop na pagsamahin?
A) Education reform + technical training + entrepreneurship support
B) Pagpataas ng sahod + pagbawas ng oportunidad
C) Pagbibigay ng ayuda + pagtaas ng buwis
D) Pag-angkat ng produkto + pagbawas ng trabaho
  • 34. Ano ang pangunahing kahulugan ng globalisasyon?
A) Mas malalim na ugnayan ng mga bansa sa larangan ng ekonomiya, kultura, at politika
B) Pagpapalakas ng nasyonalismo ng isang bansa
C) Paglilipat ng mga tao mula probinsya patungong lungsod
D) Pagpigil sa kalakalan sa pagitan ng mga bansa
  • 35. Bakit sinasabing nakakatulong ang globalisasyon sa ekonomiya ng mga bansa?
A) Dahil binabawasan nito ang bilang ng mga negosyo
B) Dahil nagtatanggal ito ng kompetisyon
C) Dahil nagbubukas ito ng mas maraming oportunidad sa kalakalan at pamumuhunan
D) Dahil naglilimita ito ng pakikipag-ugnayan
  • 36. Bakit sinasabing malaki ang ambag ng mass media sa pag-usbong ng globalisasyon?
A) Dahil pinapabagal nito ang kalakalan
B) Dahil nililimitahan nito ang komunikasyon ng mga tao
C) Dahil nakapagpapalaganap ito ng impormasyon, kultura, at ideya sa iba’t ibang bansa
D) Dahil binabawasan nito ang pakikipag-ugnayan ng mga tao
  • 37. Ano ang epekto ng Cold War sa paghubog ng globalisasyon?
A) Nagtulak ito ng kompetisyon sa ideolohiya at teknolohiya na nagdulot ng inobasyon
B) Nagpatigil ito ng pandaigdigang komunikasyon
C) Nagpabagal ito ng pag-unlad ng transportasyon
D) Nag-alis ito ng mga alyansa ng bansa
  • 38. Ano ang pangunahing tungkulin ng pamahalaan sa paghubog ng globalisasyon?
A) Pagsasara ng ekonomiya laban sa pandaigdigang kalakalan
B) Pagpapalaganap ng sariling interes lamang
C) Pagbabawal ng pakikipag-ugnayan sa ibang bansa
D) Pagbubuo ng patakaran at kasunduan upang mapalakas ang ugnayan ng bansa sa ibang bansa
  • 39. Si Brixy na isang guro ang nagtuturo tungkol sa iba’t ibang wika at kultura ng mga bansa. Ano ang kanyang aktwal na kontribusyon sa globalisasyon?
A) Pagpapalaganap ng lokalismo
B) Pagpapalawak ng pag-unawa sa pandaigdigang pagkakaiba-iba
C) Pagpigil sa ugnayan ng mga mag-aaral sa ibang lahi
D) Pagbabalewala sa mga pandaigdigang konsepto
  • 40. Kung ihahambing ang papel ng paaralan at mass media sa globalisasyon, alin ang mas nakatuon sa pagbuo ng kritikal na kamalayan?
A) Mass Media
B) Multinational na korporasyon
C) Paaralan
D) NGO
Created with That Quiz — a math test site for students of all grade levels.